Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – NLEX vs Meralco
7 p..m. – Magnolia vs NorhPort
MAINIT na sinimulan ng Talk ‘N Text ang kanilang kampanya sa PBA Governors’ Cup nang paglaruan ang Blackwater, 135-107, kagabi sa Araneta Coliseum.
Sa panalo ay sumosyo ang Texters sa liderato sa NorthPort, NLEX at Meralco.
Umabante ang Tropang Texters sa 53-46 sa first half at pinalobo ito sa 83-60 sa kalagitnaan ng third period.
“We played well coordinated game both offense and defense. Bago ‘yong ibang players ko at kailangan ang adjustment,” sabi ni coach Ferdinand Ravena.
Hindi inasahan ni Ravena na tatambakan nila ang Elite lalo pa’t bagito ang iba niyang players.
“I expected to win but I didn’t expect we beat them by big margin considering some of my players are new,” wika ni Ravena.
Nagbuhos si KJ McDaniels ng 41 points, kasama ang tatlong tres, 22 rebounds at 7 assists sa mahigit 43 minutong paglalaro kung saan dinaig niya si dating Magnolia import Marcus Blakely na umiskor lamang ng apat na puntos.
Napilitan si coach Aries Dimaunahan na ilabas ang kanilang import na wala sa porma at naglaro na all-Filipino, sa pangunguna ni Bobby Ray Parks, na tumabo ng 39 points, kabilang ang anim na tres at 5 of 9 sa charity lane.
“I’m really impressed with the performance of McDaniels. He played excellent game all throughout. He is a prolific shooter,” ani Ravena. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (135) – McDaniels 41, Pogoy 22, Rosario 18, Trollano 17, Castro 17, Vosotros 7, De Leon 5, D. Semerad 4, Magat 4, Washington 0, Carey 0, Casino 0.
Blackwater (107) – Parks 39, Maliksi 15, Sumang 14, Belo 12, Digregorio 11, Jose 8, Blakely 4, Alolino 2, Dario 2, Al-Hussaini 0, Cortez 0, Desiderio 0, Sena 0,
QS: 34-19, 63-46, 97-80, 135-107.
Comments are closed.