FUN HOUSE SINUYOD NG SUV: MISTER NADALE, 11 GRABE | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
SUV-FUN HOUSE

FUN HOUSE SINUYOD NG SUV: MISTER NADALE, 11 GRABE

CAVITE – Umabot sa 11-katao kabilang ang apat na bata ang sinasabing malubhang nasugatan habang namatay naman ang 22-anyos na mister makaraang suyurin ng SUV ang fun house gaming area sa loob ng waltermart sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa ng hapon.

Naisugod naman sa Carmona Medical Hospital ang mga biktimang sina Myrna Doctor y Candelaria, 51, ng Brgy. Milagrosa; Nina Marie Morello y Sacayan, 27, ng Brgy. Mabuhay; Glennis Gianan y Belino, 40, ng Carmona Estate sa Brgy. Lantic; Jinky Oborza y Fanner, 27; Ralf Oborza y Fanner, 4; Florabel Medina y Laurito, 40; Mark Anthony Gonzales y Binaohan, 34; Mark Leo Ace Gonzales y Marson, 4; Jazz Lano y Gonzales, 6; Cian Laurora Sartiel, 3; at si Emma Hunsay, 74, ng Brgy. Bulkhan, Silang, Cavite.

Samantala, idineklarang patay sa nasabing pagamutan ang biktimang si Rollen Sartiel y Gloria ng Barangay 3 sa nabanggit na bayan.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 1971 (Damage to Properties Resulting to Homicide) ang driver ng pulang Mitsubishi Montero na may plakang UHO229 na si Rosendo Mamucod y Delos Reyes, 66, ng Villa Sorteo, Brgy. Milagrosa, Carmona.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, naganap ang insidente bandang 1:25 ng hapon kung saan magpa-park sana ni Mamucod ang minamanehong SUV sa parking lot ng nabanggit na mart.

Subalit sa hindi ina­asahang pagkakataon ay biglang umarangkada ang sasakyan patungo sa main building papasok ng Walter-mart kung saan dumiretso sa fun house gaming area.

Nagulantang naman ang mga biktima kabilang ang apat na båtäng naglalaro na tinumbok ng SUV ni Mamucod.

Kaagad namang ru­mesponde ang mga security guard at ilang shoppers kung saan naisugod naman sa bahay-pagamutan ang mga biktima.  MHAR BASCO

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS