INAASAHANG pangungunahan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ng Novaliches Diocese ang isang fundraising concert na nakatakdang idaos bukas, Hunyo 24, para makalikom ng pondong gagamitin sa konstruksiyon ng isang bagong parish church sa Quezon City.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang concert na pinamagatang “Ai HEART RCBN’ na idaraos sa Lunes sa Smart Araneta Coliseum ay magsisilbi rin umanong farewell thank-you gift kay Bishop Antonio Tobias, na pinayagan nang magretiro ng Santo Papa matapos ang may 16-taong pagseserbisyo sa diyosesis, at papalitan ni bishop-elect Fr. Roberto Gaa.
Inaasahang magiging highlight din ng konsiyerto ang 30th anniversary sa showbiz industry ni Ai Ai delas Alas.
Ayon kay Fr. Aristeo De Leon, ang lead organizer ng event, ang kikitain ng naturang concert ay mapupunta sa ongoing con-struction ng Kristong Hari Parish Church na matatagpuan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ang naturang bagong parokya ay inaasahang magiging “future shrine of the youth” ng diyosesis.
Inaasahang makikilahok rin sa naturang konsiyerto ang iba pang kilalang celebrities sa pangunguna ni Pambansang Bae na si Alden Richards. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.