FURNITURE SHOP NASUNOG, 1 SUGATAN

bala nasunog

MUNTINLUPA CITY –  ISANG trabahador ang namatay samantalang sugatan naman ang dalawang kasamahan nito nang masunog ang kanilang pinagta-trabahuang furniture shop kahapon ng umaga.

Ayon kay Sgt. Roque Garcia, ng Scene of the Crime Office, Southern Police District (SOCO, SPD), ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktimang namatay matapos na ito ay ma-trap sa loob ng furniture shop.

Samantala, ang dalawang kasamahan nito na hindi pa rin alam ang pagkakakilanlan ay isinugod sa isang malapit na ospital upang agad na malapatan ng lunas matapos na ang mga ito ay magtamo ng first ­degree burn sa katawan.

Ayon sa inisyal na report ng Muntinlupa City Bureau of  Fire  and Protection (BFP) dakong 7:12 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa  Markline Furniture na matatagpuan sa Te Laurel Compound Brgy. Putatan ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na nasa 20 kawani ang nagtrabaho sa nasabing establisimi­yento nang maganap ang sunog.

Kaagad  naman nakalabas ang mga ito maliban sa nasawing biktima dahil na trap ito  at hindi nagawang mai­salba ng mga ka-gawad ng tagapamatay sunog na naging sanhi ng kamatayan nito.

Dakong alas-8:01 ng umaga nang ideklarang fire-out ang naturang sunog na umabot lamang sa unang alarma.  MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.