FUSION LUTONG PAGKAIN ONLINE NI CHARIZ SOLOMON

CHARIZ SOLOMON2

MARAMI talagang binago ang COVID-19 pandemic. Habang dumarami ang bilang ng mga active cases ng COVID araw-araw, napilitan ang maraming negosyong pansamantalang magsara kaya maraming Filipino ang nawalan ng trabaho.

Sa madilim na baha­ging ito ng ating buhay, natuto tayong maging creative – kung saan lumalabas ang ating natatagong talento. Kahit nga ang mga paborito nating celebrities ay naghahanap na rin ng paraan upang makapagnegosyo, kahit pa nga naka-lockdown sa kani-kanilang bahay. Sa iba, isang magandang oportunidad ang online food business para magsimula ng panibagong buhay.

Kaya naman naisipan ni Chariz Solomon na makiuso. Kung natatakam kayo sa hipon ngayong panahong ito, lalo pa nga at bumabagyo, si Chariz ang sagot sa gusto ninyo. Kamakailan lamang ay inilunsad ng Kapuso actress na tinawag niyang Fusion by Chariz Solomon. Ipinagmamalaki niya ang kanyang bagong negosyo dahil ito raw ay “the best home-cooked meals with quality ingredients made with love and sprinkled with joy, here to share and enjoy with your friends and families.”

Satisfied naman ang mga kliyente ni Chariz, kaya subukan rin ninyo. Pwedeng mag-order sa Chariz Solomon official Instagram page, pero sa Metro Manila lang po. – NV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *