HINIRANG ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang G-Xchange Inc. bilang kanilang “Outstanding Partner for Digital Transformation” at “Outstanding Partner for Innovative Financial Services” para sa 2019 dahil sa makabago at transpormatibo nitong digital financial ser-vices.
Ang GCash ay nakarehistro sa ilalim ng G-Xchange.
Bukod sa dalawang award, naging finalist ang G-Xchange para sa mga kategoryang “Outstanding Partner for Digital Excellence” at “Top Instapay Volume Contributor.”
Isa ang G-Xchange – sa pamamagitan ng GCash – sa mga nakapag-aambag nang malaki sa Instapay o real-time electronic retail payments sa ilalim ng National Retail Payment System Project ng BSP.
“This recognition from the BSP affirms our commitment to find ways to reach the unbanked, underserved Filipinos and to develop mobile platforms that will open access to financial services. In partnership with the government, we are confident that we can make growth more inclusive and more beneficial to the ordinary Filipino,” ani Anthony Thomas, Chief Executive Officer (CEO) ng Mynt kung saan isang subsidiary ang G-Xchange.
Dahil sa nakuha nilang awards, binigyang-diin ng Mynt CEO na lalong tumibay ang posisyon ng GCash bilang nangungunang mobile wallet sa bansa na naghahain ng makabagong teknolohiya na tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mahigit 20 milyong GCash users pagdating sa iba’t ibang digital financial service.
Tulad sa bangko, kompleto ang mga serbisyo ng GCash dahil mayroon itong GCredit (para sa credit), GSave (para sa savings), Invest Money (para sa investment), at GCash Insure (para sa insurance) na nakatutulong sa maraming Filipino na walang bank account at mababa ang credit score. Ayon sa isang pag-aaral, 77.4 porsiyento o 52.8 milyong Filipino adults ang wala pa ring bank account.
May temang “One Team One Goal: Resilient Partnership Towards Inclusive Economic Growth,” ginanap ang 16th Awards Ceremony and Appreciation Lunch for BSP Stakeholders kamakailan sa BSP Assembly Hall, BSP Complex sa Maynila upang kilalanin ang mga banking at non-banking institution na nagbigay ng suporta sa mga inisyatiba at adbokasiya ng BSP.