GAB 3RD PRO SPORTS SUMMIT LALARGA NA

Abraham Mitra

MGA kaganapan sa professional sports at mga programang isinusulong ng iba’t ibang liga, boxing promoters at e-sports organizers sa gitna ng pakikibaka sa COVID-19 pandemic, sa gabay ng Games and Amusements Board (GAB), ang sentro ng tala-kayan at balitaktakan sa gaganaping 3rd Professional Sports Summit ngayong Miyerkoles via Zoom.

Ipinahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na napapanahon ang Sports Summit hindi lamang para maipakita na buhay ang pro sports kundi maibahagi rin ang mga karanasan, kabiguan, tagumpay at aral na nakuha sa patuloy na paglarga ng pro sports kahit sa hinay-hinay na pamamaraan.

“Pangatlo po ito sa aking termino sa GAB. As always, ginagawa po natin ito para palakasin ang pro sports which was greatly affected by the pandemic. Kahit medyo hirap, nagawa pa rin nating makakilos para tuloy ang livelihood ng ating mga atleta,” sambit ni Mitra.

Kabilang sa magbibigay ng kanilang mga naging pakikibaka para maisakatuparan ang bubble set-up ang mga kinatawan ng PBA, 3×3 basketball, VisMin Cup, NBL at WNBL,volleyball,  chess, gayundin ang Esports.

“Happy tayo dahil maso-showcase ng mga liga ‘yung mga ginawa nila para maging inspiration sa ibang liga na nagnanais na magbukas na rin sa mga lugar na may mababag quarantine level,” sabi ni Mitra.

Imbitado bilang mga resource speaker ang mga premyadong senador na tumutulong sa kaunlaran ng sports tulad nina Senators Bong Go, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian at Pia Cayetano, gayundin si PBA Partlist Rep. Jerecho Nograles.

“Malaki po ang papel ng ating mga senator dahil sila po ang tumutulong sa atin para makuha ‘yung budget na kailangan natin para mapagsilbihan ang ating mga atleta at sports organization na under sa GAB,” aniya.

Iginiit ni Mitra na nababanaag ng GAB ang mga progresibong pro sports sa susunod na taon, higit at bahagya nang naaabatan ang pandemya at mas maraming torneo ang nagnanais nang magbalik-aksiyon.

“Mas magiging maganda dahil marami na ang bakunado. But still, safety first. Don’t let our guards down. I think the life is brighter for professional sports since several organizers and boxing promoters started to return in action,” aniya.

Sinabi rin ni Mitra na maituturing niyang legacy sa GAB ang naisulong na mga programa,  kabilang na ang libreng medical at drug test sa mga atleta, gayundin ang pagbili ng apat na bagong hematoma screening machine na aniya’y magagamit para matukoy ng mas maaga ang pinsala ng mga boxer at combat sports fighter matapos ang laban.

“‘Yung ma-professionalize natin ang Esports, malaking tagumpay na rin sa ating pamumuno sa GAB. Hopefully, magpatuloy ito kahit mapalitan kami,” pahayag ng dating Palawan governor at congressman. EDWIN ROLLON

140 thoughts on “GAB 3RD PRO SPORTS SUMMIT LALARGA NA”

  1. 196033 271064Hi! Someone in my Facebook group shared this site with us so I came to check it out. Im undoubtedly loving the data. Im book-marking and is going to be tweeting this to my followers! Outstanding blog and great design and style. 687911

Comments are closed.