GAB CHIEF, NBL FINALISTS TAMPOK SA PSA FORUM

PSA forum

MAGIGING pana­uhin si outgoing Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at ang protagonists sa darating na NBL finals sa virtual Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.

Inaasahang tatalakayin ni Mitra ang mga nagawa ng kanyang opisina sa loob ng anim na taong pagsisilbi bilang GAB chairman sa unang bahagi ng session na magsisimula sa alas-10 ng umaga.

Sa ikalawang bahagi ng weekly Forum ay tatalakayin naman ni NBL Executive vice president Rhose Montreal ang NBL President’s Cup title series sa pagitan ng Pampanga Delta at ng DF Republicans, at ang WNBL finals showdown ng PSI Lady Air Defenders at Philippine Army Lady Battalion.

Ang public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Unilever, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang session ay ila-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswriters Association at mapaki­kinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin ang programa sa pamamagitan ng kanilang official ­Facebook page.