TULOY ang pagbibigay ng libreng medical examinations sa lahat ng lisensiyadong boxers at combat sports fighters sa ilalim ng Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH) Memorandum of Agreement.
Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, patuloy na makatatanggap ng libreng medical and neurological services ang GAB-licensed boxers, MMA, at Muay Thai fighters matapos ma-renew ang MOA ng GAB at DOH.
Batay sa kasunduan, magpapatuloy ang pagkakaloob ng libreng medical examinations, eye examinations, neurological examinations, neurophysio-logical examinations, gayundin ang laboratory diagnostic examinations, kabilang ang CT Scan at MRI para masiguro na kondisyon at nasa malusog na pangangatawan ang mga boxer at mixed martial artist bago mabigyan ng lisensiya at payagang lumaban.
Nagsimula ang programa nang italaga ng Pangulong Duterte si Mitra na pamunuan ang ahensiya na nangangasiwa sa professional sports, kasama sina Commissioners Ed Trinidad at Mar Masanguid.
“Nagpapasalamat po kami sa DOH, mula kay dating Sec. Paulyn Rosell-Ubial hanggang sa kasalukuyang liderato ni Sec. Francisco Duque, dahil hindi nila kami iniiwan. Napakalaking bagay po ito para sa ating mga boxer at combat sports fighter,” sabi ni Mitra.
Bukod sa medical services na nakapaloob sa programa, ipinahayag ng dating Palawan governor at congressman na naidagdag ang libreng hematoma screening tests matapos makabili ang GAB ng screening units.
“Commissioner Trinidad, Commissioner Masanguid, and I are very happy to announce that GAB is now ready to provide free hematoma screening tests for our professional athletes,” ani Mitra.
Nitong Biyernes, sa isang simpleng seremonya, ipinakita ni Mitra kasama si Dr. Radentor Viernes, GAB Medical Section Chief, ang biniling hematoma screening units.
“Hindi na tayo magkaundagaga para ihanda ang ating mga sarili laban sa COVID-19. At lubhang masakit sa bulsa kung magbabayad pa ng medical examinations. Kaya kami po sa GAB ay umaayuda sa ating mga atleta para masiguro ang kanilang kalusugan,” pahayag ni Mitra.
Kabilang sa mga ospital sa GAB-DOH agreement ang Batangas Medical Center, Western Visayas Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Philippine Heart Center.
Ang matagumpay na programa sa medical requirements ng GAB ay ikinalugod ng World Boxing Council at ng buong international boxing community. Naging daan ito para ipagkaloob sa GAB ang parangal na WBC Commission of the Year nitong 2017 at ipinag-utos ni WBC President Mauricio Sulaiman sa bisa ng memorandum sa mahigit 100 miyembro at affiliated boxing organizations na gamiting ‘blueprint model’ ang programa ng GAB. EDWIN ROLLON
856133 807951You ought to get involved in a contest personally with the finest blogs on-line. I will recommend this page! 911132
12755 78770Now we know who the ssebnile 1 is here. Excellent post! 140963
174101 533780I actually like your write-up. It is evident that you have a good deal understanding on this subject. Your points are nicely produced and relatable. Thanks for writing engaging and fascinating material. 397831
958220 294695Hello. I wanted to ask one thingis this a wordpress web web site as we are planning to be shifting more than to WP. Furthermore did you make this template yourself? Thanks. 289318