GAB UMAKSIYON VS ILLEGAL BOOKIES

TULOY ang operasyon ng Games and Amusements Board (GAB) para masawata ang illegal bookies na patuloy na nagsasagawa ng aktibidad sa gitna na pakikipaglaban ng pamahalan sa COVID-19 pandemic.

Nitong Sabado, Set. 5, walong indibidwal ang dinampot ng pinagsanib na puwersa ng GAB-Anti-Illegal Gambling Section na pinamumunuan ni Glenn Pe at ng Provincial Operation Group ng Cavite matapos salakayin ang illegal bookies sa Metro Wet and Dry Market sa Brgy. Molino 2 sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay Pe, nagsagawa ang kanyang grupo ng ‘surveillance’ sa naturang lugar matapos makatanggap ng reklamo sa ilang nitizens dahil na rin sa pagkukumpulan ng mga tao sa bookies na ipinagbabawal sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lalawigan ng Cavite.

Kabilang sa mga naaktuhan sa illegal bookies sina Arnold Siqueza, 41; Rosendo Sandenia, 57; Roderick Oren, 51; Armando Vergara, 64; Restie Abrantes, 54; Ignacio Santos, 62; Landrico Mercurio, 57; at Joseph Camero, 59.

Nakumpiska sa kanila ang mga taya at iba’t ibang kagamitan sa illegal na operasyon tulad ng TV monitor at radio, Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayan na siyang nagbibigay sa atin ng mga impormasyon laban sa mga illegal bookies. Bawal po ito at labis na delikado sa panahon na nakikipaglaban tayo sa pandemya,” pahayag ni Pe.

Iginiit naman ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na ang pagbabawal sa pagpunta sa mga race track dahil sa quarantine ay malaking hamon para sa bayang karerista, ngunit may mga paraan na legal na maaaring gamitin para makilahok sa programa ng horse racing tulad ng online betting sa aprubadong aps sa mobile phone. EDWIN ROLLON

28 thoughts on “GAB UMAKSIYON VS ILLEGAL BOOKIES”

  1. 666314 745298Hey really good weblog!! Man .. Beautiful .. Remarkable .. I will bookmark your internet site and take the feeds alsoIm satisfied to seek out numerous helpful information here within the post, we require develop more techniques on this regard, thanks for sharing. 572064

  2. 251888 464139 Nice post. I learn something far more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content material from other writers and practice a bit something from their store. Id prefer to use some with the content material on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your internet weblog. Thanks for sharing. 927334

  3. 709296 853810An intriguing discussion is going to be worth comment. I believe that you can write read a lot more about this topic, may possibly properly certainly be a taboo subject but generally folks are inadequate to chat on such topics. To a higher. Cheers 7618

Leave a Reply

Your email address will not be published.