GABBI GARCIA KASOSYO ANG KAPATID SA IPINATAYONG MUSIC SCHOOL

PAREHONG mahilig sa music ang mag-sister na Gabbi Garcia at Alex. Itong si Gabbi maliban sa pag-entra eksenaarte ay kinakarir din paminsan-minsan ang pagkanta tulad ng paggawa ng music video.

Dahil pareho ng hilig ay nag-decide si Gabbi at kapatid na magpatayo ng Music School sa kanilang lugar sa Paranaque at pinangalanan nila itong Tempo Primo Academy Of Music na pormal nang binuksan last March 7. Present sa event ang parents nilang si Mr and Mrs Tes and Vince pati na ang nobyo ni Gabbi na isa ring singer na si Khalil Ramos.

Batay sa Instagram post ni Gabbi, available sa paaralan ang voice, piano, guitar at drum lessons. Ang kapatid ni Gabbi na si Alex ay nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in Music, majoring in Music Education with Percussion Principal sa St. Scholastica’s College-Manila.

(Dahil sa corona virus) SAWYER BROTHERS SA DZRH TAMBAYAN SESSIONS POSTPONED   

READY na sanang kantahan ng magkapatid na Kervin at Kenneth ng Sawyer Brothers ang kanilang fansKervin Sawyer

sa naka-schedule nilang radio guesting nitong March 15 sa DZRH Tambayan Sessions na napapakinggan at napapanood every Sunday sa DZRH TV.

Full coverages kasi ang DZRH sa kaganapan sa patuloy na  pagkalat ng COVID-19 pandemic kaya kinansela ang lahat ng kanilang entertainment shows. Matutuloy naman daw ito kapag maayos na ang sitwasyon.

Marami pala ang nagagandahan sa version ni Kervin ng kantang “Pagsubok” na unang pinasikat ng Orient Pearl. Akma ito sa panahon ngayon ng crisis kung saan nagpa-panic na ang mga Pinoy dahil sa sunod-sunod na kaso ng corona virus sa bansa.

Nagpapasalamat sina Kervin at Kenneth sa walang sawang suporta sa kanila ni Dovie San Andres sa kanilang singing career.

EAT BULAGA NAKIISA SA COMMUNITY QUARANTINE

DAHIL sa patuloy na paglaganap na corona virus sa bansa at sa utos ng ating Pangulong Rody Duterteeat bulaga

na Enhanced Community Quarantine para sa kapakanan nating mga Pinoy, nakiisa rin ang Eat Bulaga para maiwasan ang covid-19 pandemic na ito ay huwag na muna silang mag-show ng live simula March 16.

Kapag maayos na ang lahat ay babalik ang number one noontime  varierty show sa NUTAM at Kantar Media sa kanilang normal programming. In the meantime ay mapanonood muna ng Dabarkads ang replay episodes ng programa na siguradong kagigiliwan pa rin ng marami especially ang Bawal Judgmental segment.

This year ay wala ring mapapanood na Lenten Special sa Bulaga dahil hindi na itutuloy ang naka-schedule na taping ng EB Dabarkads dahil sa out of

town ang location ng taping nila o out of the country tulad last year na sa Japan kinunan ang episode ng showbiz couple na sina Bossing Vic Sotto and Pauline Luna at co-EB Dabarkads.

Comments are closed.