GABBI GARCIA NATUPAD NA ANG PANGARAP NA SUMABAK SA AKSYON

NOON pa dream ni global endorser, It Girl Gabbi Garcia na makagawa ng aksyon-serye, kaya natuwa showbiz eyesiya nang isama siya noon sa “Sherlock, Jr.” na magkatambal sila ni Ruru Madrid.  Pero hindi nagtagal ang participation niya sa serye, dahil nag-focus na lamang ang story kay Ruru.  Pareho silang nawala agad ni Janine Gutierrez sa story.

Kaya ang saya ni Gabbi nang i-cast siya sa isang bagong action serye sa GMA Network na ididirek ng action director na si Toto Natividad.  Makakasama rin niya sa untitled action serye ang nagbabalik-Kapuso, ang director-actor na si Eddie Garcia.

At bilang paghahanda sa upcoming aksyon-serye, sumailalim na si Gabbi sa trainings na kailangan niya.  Nauna siya sa pa-ghawak ng baril under @jet_dionisio, na tinuruan siya how to shoot, proper handling, troubleshoot a jammed gun, and many more.

“Exciting po ang feeling habang nagti-training ako,” kuwento pa ni Gabb.   At ngayon, nagsimula na akong mag-training ng Krav Maga, under @_victorneri_ and @dindo_ikmf na makakasama rin namin sa serye.

“Ang Krav Maga po ay isang Israeli method of self-defense kung saan pinagsama-sama ang Aikido, boxing, Judo, Karate, Wrestling, at realistic fight training.  Medyo mahirap po sa simula pero habang ginagawa namin, nagiging madali na rin.  At thankful ako sa mga instructor namin dahil marami kaming natutunan bago pa kami magsimula ng actual taping.”

Ang nalalapit na aksyon-serye ay magtatampok din kina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Roi Vinzon, Luz Valdez, Ms. Celia Rodriguez at marami pang iba.

BIANCA UMALI AT MIGUEL TANFELIX SINORPRESA ANG FANS

bianca umaliMIXED ang reactions ng fans ni Bianca Umali nang mapanood noong Monday evening sa epic seryeng “Sahaya,” ang eksenang after a long time na hindi nagkita sina Sahaya (Bianca) at Ahmad (Miguel Tanfelix) ay bigla silang nagkita dahil sa pagliligtas nila sa isang batang tatawid ng kalye at may padating na kotse.

Ang gulat ni Sahaya nang makitang ang nagligtas at yumakap sa kanya ay si Ahmad, na malayo na ang hitsura bilang ang Bad-jaw na boyfriend niya.

Masaya ang BiGuel fans na nasorpresa dahil wala naman daw sa teaser na muling magkikita sina Bianca at Miguel, pero ang mga JorSah (Jordan at Sahaya fans nina Migo Adecer as Jordan at Sahaya) ay nagreklamo dahil mas nakakakilig daw sina Jordan at Sahaya.  Tanong pa nila: @gmadrama @artistcenter @suzidoctolero wala ba kayong kiliti sa katawan n’yo?  Mukhang may labanan na ang Team Ahmad at Team Jordan.

Napapanood ang “Sahaya” sa telebabad pagkatapos ng “Kara Mia” sa GMA 7.

CHERIE GIL NAGBABALA SA MGA SASALI SA STARSTRUCK     

MARAMI nang netizens ang excited magsi­mula ang “StarStruck 7” na iho-host nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.  Ang council of judges naman ay sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo.  Excited sila kay Cherie dahil may mga binitiwan na siyang salita na tiyak na ikanenerbyos na raw ng mga participants. Isa sa binitiwan niyang salita, alam na raw niya kung sino ang mga artistahin, pagka­kita pa lamang niya. At ang paalaala niya, “Don’t dare call me Tita.”

This June na muling mapapanood ang original artista search ng GMA Network.