GABBY CONCEPCION NANIBAGO SA MGA POSTED PHOTOS NI KC SA INSTAGRAM

GABBY CONCEPCION

WALANG  problema  kay Gabby Concepcion ang mga naglabasang sexy photos ng anak nila ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Pero hindi naman ikinaila ni Gabby na nanibago lang siya sa mgahotshots photos na isine-share ng anak sa Instagram.

“Ako,  I  love  art, so maganda naman ‘yung mga ganun. Marami naman  akong nakikitang mga ganung  style pero  of course, coming from  your  daughter, nakakapanibago lang, but I`m open to that. Hindi  naman  ako ano, eh,” pahayag ni Gabby sa mga nakausap na press.

Sa sexy photos na ipinost ni KC ay halos lumuwa na nga ang kanyang  well-endowed breast. May mga nag-react nga na too much na raw ang ginagawang pag-pose ng sexy ng dalaga nina Gabby at Sharon. May nag-comment pa na hindi raw magugustuhan ng mga magulang ni KC.

“Well,  there will always be critics. Okey lang ‘yung dahil  that`s  how she feels, that`s  how  she wants to express  her photo sessions, her art forms,” aniya.

May nagtanong din sa kondisyon ng puso ng kanilang anak ni Sharon, lately, kasi ay may balita na break na raw ito sa French boyfriend na si Pierre  Emmanuel Plassart. Sabi naman ni Gabby ay unpredictable raw talaga ang buhay.

“And life is full of challenges, sabi nga nila. And  again, eto  na naman  tayo  sa  mga hurdles ng buhay, hindi lang naman siya, lahat tayo.

“Nag-usap  kami and happy  naman siya ngayon  because of her new  commercials. Ako nga ‘yung una niyang  pinagpadalhan ng video,” aniya.

Sa tanong kung ano ang naging advice niya kay KC?

“Marami na akong nabigay  na advice, pero pag nagkikita kami, “are  you  happy?”  “How  are you?” “Is everything  okey?” Ang importante  lang naman, there`s  communication, nagtatawagan, nag-uusap. Minsan, makausap mo lang, mawawala  na ‘yung problema mo. You won`t  even have to be specific.”

Samantala, aminado si Gabby na siya ang may problema kaya hindi natuloy ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta.

Naghahanap daw kasi siya ng magandang  istorya para sa movie na pagsasamahan nila ni Sharon. Pero right now ay handang-handa na siya na matuloy na ang reunion movie nila ni Shawie.

ELISSE JOSON INAMING NASAKTAN NANG HUSTO SA BREAKUP NILA NI McCOY DE LEON

BLOOMING ang ganda ngayon ni Elisse Joson. Sa backstage ng Irwin Theater ng Ateneo de Manila ay nadatnan namin si Elisse na naghihintay ng kanyang production number para sa 33rd PMPC  Star Award for TV. Bakas sa mukha ng dalaga na naka-move na nga ito sa break-up nila ni McCoy de Leon.

Maging nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda ay blooming na blooming nga si Elisse na tanda na talagang naka-move on na siya sa matinding depression na sinapit sa hiwalayan nila ni McCoy.

Kuntento na siya ngayon sa pagiging single at hanggang “dating status” lang sila ng Hashtag member na si Jameson Blake na present din sa Gabi ng Parangal ng Star Award for TV na ginanap nga sa Ateneo Theater last Sunday (October 13).

Tulad ng kanyang sinabi kay Kuya Boy sa show na sobrang nasaktan siya sa break-up nila ng boyfriend nang tanungin namin sa backstage ng Ateneo Theater. Sobrang nasaktan siya at hindi na raw yata mawawala sa kanyang ‘yung mapait na experience. Magi­ging parte na raw ‘yung kanyang buhay.

Ang importante raw sa kanya ngayon ay magaan na ang dibdib niya. Ini-enjoy ang  pagiging  single at kikilitasin  daw niya mabuti ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso.

One thought on “GABBY CONCEPCION NANIBAGO SA MGA POSTED PHOTOS NI KC SA INSTAGRAM”

Comments are closed.