GABBY CONCEPCION PARANG TUMAMA SA LOTTO KAY JENNYLYN MERCADO

GABBY CONCEPCION

THE feeling is mutual para sa bagong tandem na sina Jennylyn Mercado at Gabby wallfaceConcepcion para sa new soap opera na ginagawa ngayon ng GMA-7, ang “Love You Two” kasama si Shaira Diaz bilang ka-love triangle.

Kung open na open si Jennylyn sa pagsasabing isa si Gabby sa mga u­nang artistang lalakeng hinangaan niya at sinubaybayan noong wala pa siya sa showbiz, para naman kay Gabby, masasabi niyang lucky siyang actor na makatambal si Jennylyn, as in para raw siyang tumama sa lotto.

Very blessed diumano ang actor dahilan sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon. May mga bagay kasi na hindi inaakala ni Gabby na mangyayari, tulad na lang ang pagpapartner sa kanya ngayon sa mga actress nating much younger sa age niya.

Una na si Carla Abellana, na sinundan naman ni Sunshine Dizon at Ryza Cenon sa highest rating afternoon soap ng GMA-7, ang “Ika-6 Na Utos”. At ngayon nga ay ang queen of romcom movie na si Jennylyn. At isa pa ring ikinasaya ni Gabby ang magiging ka-triangle nila ni Jennylyn ay young actress din at mas bata sa edad kumpara kay Jennylyn, si Shaira Diaz.

MIGO ADECER MULING HUHUSGAHAN

ISANG madamda­ming paghingi ng paumanhin ay binigay ni Migo Adecer para sa MIGO ADECERmga taong kanyang “nasagasaan” sa gulong kanyang kinasangkutan. At gayun din naman ay ang pasasalamat niya sa dalawang officer na kanyang nabangga na pinatawad siya at hindi na nagsampa ng kaukulang demanda.

Tila biglang nagbago ang takbo ng buhay sa mundo ni Migo. Mula sa pagiging carefree and playful young actor ay tila namulat si Migo at naging isang malaking aral sa buhay niya ang kinasangkutang aksidente.

Pagdating naman sa karir ni Migo, mas ma­rami na ngayon ang tila interesadong panoorin siya.  Noong nanalong Starstruck Ultimate male avenger, ay napansin si Migo pero halos ilan na rin ang mga proyektong nagawa niya ay hindi pa rin siya halos kilala ng mga Pinoy.

Ngayon ay biglang bumulaga ang kanyang pangalan sa buong bansa at napansin ng mga tao na may isang Migo Adecer pala sa showbiz. By this time, ay kailangan na siguro ni Migo na pagbutihan ang kanyang craft bilang actor, dahilan sa ito ngayon ang basehan ng masa kung mayroon ba siyang K na ma­ging artista. Ang aksidenteng naganap kay Migo ay mu­ling huhusga kay Migo, napansin at napag-usapan kasi siya outside showbiz world.

2 thoughts on “GABBY CONCEPCION PARANG TUMAMA SA LOTTO KAY JENNYLYN MERCADO”

  1. 66418 334963For anybody who is considering about external complications, sometimes be tough amaze those to realize to produce just a single weed in this extremely flowing generally requires eleven liters concerning gasoline to. dc totally free mommy blog giveaways family trip home gardening residence power wash baby laundry detergent 429043

Comments are closed.