GABI NG MUSIKA AT MGA OBRA

MUSIKA - OBRA

NAGING nostalgic ang pagbubukas ng art exhibit ng beteranong alagad ng sining na si Tam Austria sa kanyang mansiyon sa Antipolo City  nitong Pebrero 28.

MUSIKA - OBRA 2Puno ng musika na may kaugnayan sa kabataan ni Master Tam, pagsisimula sa larangan ng sining, panliligaw hanggang sa pag-iisang dibdib nila ng kabiyak nitong  si Gng. Divine, na isinatinig ng opera singer na si Kathy Hipolito Mas, magkapatid na Mike Austria at Sistine Van Loan.  Naging tampok din ang mga  bansa na nabisita ng magkabiyak.

Dinaluhan ang event ng mga embahador, mga opisyal ng gobyerno at mga malalapit na kaibigan.

Sa kanyang mensahe  ay hinimok ni Austria ang mga batang artist na huwag kalimutan  na ang husay nila  sa pagipinta ay hindi pansarili kundi ito ay  bigay ng Maykapal, regalo para sa pagpapaunlad ng human spirit.

Isa si Austria sa ineendorsong maging national artist dahil sa mga naging kontribusyon  nito sa kaunlaran  sa larangan ng sining at kultura ng bansa.

50 thoughts on “GABI NG MUSIKA AT MGA OBRA”

Comments are closed.