Ang tribong Ga’dang ay isa sa mga indigenous communities ng bundok Paracelis sa Cordillera region. Ga’dang ang kanilang identity, settlement, at language. Tinatawag ngayon ang kanilang geographic settlement na ga’dang ancestral domain. Ang ibig sabihin ng Ga’dang ay mataas na lupa mula sa dagat o ilog.
Mula ang Gaddang sa mga salitang GA na ang ibig sabihin ay “heat of fire” at DANG na ang ibig sabihin ay “burn” o “burned by the heat”.
Ang traditional attire ng mga “Gaddang” o “ga’dang” at tapis o “aken”, mahabang cotton cloth na parang kahawig ng malong. Iniikot ito sa bewang hanggang tuhod. Gawa ito sa “uway” (threads) at “bukat” (beads). Ang upper garment naman ay tinatawag na “barawasi” na mahaba ang manggas, bilog ang leeg, at collarless
Naninirahan ang mga precolonial Gaddang sa tabi ng Cagayan River sa Northern Luzon. Mayroon silang unique identity na hinubog ng kapaligiran at social structures. Bagama’t kaunti lamang ang historical records noong mga panahong iyon, batay sa archaeological findings, wala pa ang mga Kastila ay may sarili na silang sosyedad.
Nagsasaka sila at nagkakaingin. Nagtatanim ng palay, mais, kamote at iba pa. Gayunman, mas mahalagang produkto nila ang tabako. Nangangaso rin sila at nangingisda, kaya sapat ang lahat para sa pangangailangan nila sa pagkain.
May iisa lamang silang problema: wala silang centralized political system. Ang pagiging pinuno ay natatamo sa pamamagitan ng katapangan, husay sa pakikipaglaban, kaalaman sa nakagawiang batas, yaman, at titulo ng pagiging magiting na mandirigma.
Ang pudon (peace pacts) at kolak (trading partnership) ang nagpapatakbo sa kanilang inter-community relations. Sistema namang base sa pagiging magkakamag-anak ang pangunahing basehan nila ng social order.
Naniniwala ang mga Gaddang na may koneksyon ang earth world at kanilang buhay, ngunit buhay sa daigdig ang mas dapat nilang tutukan. Sa kanilang mga ritwal, malaki ang papel na ginagampanan ng babae at lalaki. Ang mga lalaki ay namumuhay ng may pagmamalaki at prestigious lifetime feasts, kung saan dapat silang magkamit ng yaman. Sa kanilang mga alamat, marami silang kinikilalang diyoses kasama na si Nanolay, ang manlilikha.
Kilala ang mga gaddang sa makukulay nilang kasootan na nadedekorasyunan ng beads, kabibe at mamahaling bato, na kaiba naman sa simple nilang pang-araw-araw na kasootan.
Itinatayo ang kanilang mga tahanan sa matataas na lugar — mga tahanang gawa sa kahoy at kawayan, kung saan naililipat-lipat ang hagdan bilang depensa sa kaaway.
Sa putong naman o suklong (headdress), ang para sa mga lalaki ay yari sa tinirintas na fibers na dinikorasyonan ng glass bead pendants at dalawang mother-of-pearl basiwak ornaments. Ito ang suklong ng mga lalaking Gaddang sa likod ng kanilang ulo.
Hanggang sa kasalukuyan ay may mga Gaddang pa rin sa Cordillera.
JAYZL NEBRE