IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang gag order na inihain ng private respondent ng Cavitex laban kina Philippine Estate Authority Tollway Corporation (PEATC) general manager Dioscoro Esteban Jr., spokesperson Atty. Ariel Inton at legal counsel na si Sylvestre Golez.
Sa inilabas na desisyon ng 10th Division ng CA, sinabi nina Associate Justice Nina Antonio- Valenzuela, Emily Alino-Geluz at Eduardo Ramos Jr. Na walang sapat na ebidensya ang private respondent n si Raul Ignacio ng Cavite Infrastructure Corporation (CIC) para paburan ang hiling nito na Gag order.
Paliwanag ng CA, hindi dapat Gag order ang inihain ng CIC kundi petition for indirect contempt.
Dagdag ng CA, kung inaakala ni Ignacio o ng CIC na lumabag ang PEATC sa sub judici rule, kailagan ay sa tamang korte isampa ang petisyon.
Matatandaan na hiniling ng CIC na magpalabas ng gag order ang CA para pigilan ang PEATC na magsalita sa publiko lalo na sa media kaugnay sa kasalukuyang itinatakbo ng petition for Mandamus.
Ang Petition for Mandamus ay inihain ng PEATC sa CA para bawiin ang operasyon ng Cavite-Manila Expressway (Cavitex) na kasalukuyang pinapatakbo ng CIC na siyang subsidiary ng Metro Pacific.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Inton na pinag-aaralan at sinusuri ng legal team ni Esteban ang kanilang mga pahayag sa media at kadalasan ay sinasagot at itinutuwid lamang nila ang mga misleading statements ng CIC.
EVELYN GARCIA