(Gagamitin sa paglaban sa COVID-19) DUTERTE IDO-DONATE ANG SAHOD

Presidential Spokesperson Salvador Panelo-11

NANGAKO  si Pangulong Rodrigo  Duterte  na kanyang ido-donate ang isang buwang sahod upang magamit sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inihayag ito ni  Presidential Spokesperson Salvador Panelo kahapon, araw ng Linggo.

Nasa P400,000 kada buwan ang suweldo ng Pangulo.

Ayon pa kay Panelo, siya at  assistant secretaries ng Offices of the Chief Presidential Legal Counsel, ay magdo-donate ng ng may  sampung porsiyento ng kanilang kita direkta sa  Office of Civil Defense.

Sa isang pahayag, sinabi ni Panelo na welcome sa Palasyo ang  inisiyatiba ng mga opisyal ng Gabinete na pagdo-donate ng isang buwan nilang sahod para sa mga programa laban sa nakamamatay na COVID-19.

Habang ang mga miyembro ng Kamara  ay magkakaloob naman ng kanilang sahod para sa buwan ng Mayo, na ang kanilang inaasinta ay kabuuang P50 milyon.

Matatandaang inianunsiyo ng Pangulo ang P200 bilyon social amelioration program na magkakaloob ng tulong o pera sa mahihirap na pamilya  na daily wage earners  na nawalan ng kayod dahil lockdown sa Luzon, kung saan mahigit sa nasa 50 milyong katao ang  pinayuhang manatili sa loob ng tahanan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Habang isinusulat ang balitang ito ay mayroon ng 3,246 kaso ng COVID-19, 64 ang nakarekober at 152 na ang nasasawi.

Comments are closed.