(Gagamitin sa paglaban sa COVID-19) P298-M DAGDAG AYUDA NG U.S SA PH

Us Embassy

MAGBIBIGAY pa ng halagang P298 milyong  dagdag na  ayuda ang United States sa Filipinas para sa kampanya nito kontra coronavirus, ayon sa inilbas na pahayag kahapon ng US Embassy in Manila.

Inihayag ng  embahada ng Amerika na ito ay  para malabanan ang coronavirus disease o COVID-19 sa bansa na ngayon ay nasa pang-apat  sa  may pinakamaraming biktima sa buong Asya.

Ayon sa United States Embassy sa Filipinas, makikipag-ugnayan din ang U.S. Agency for International Development sa 18 local govern-ments units na matinding tinamaan ng COVID-19 upang maitaguyod ang epektibong crisis management at implementasyon ng response plan.

Kabilang sa ayuda ang  P44 milyon na mula sa U.S. Department of State’s Bureau of Population, Refugees, and Migration for the International Committee of the Red Cross.

Aabot na sa mahigit P768 milyon o 15.2 million US dollars ang naibigay na ayuda ng US sa bansa kontra COVID-19.

Umabot naman na sa mahigit P228 bilyon ang naibigay na development assistance kabilang na ang P29 bilyong  health assitance ng US sa bansa sa nakalipas na 20 taon.

Target ng nasabing pondo na masuportahan din ang mga  local government para matiyak ang pagkakaroon  ng sapat na  food supply, at ayudahan ang local business recovery, magtayo ng mga  public handwashing facilities, at palakasin pa ang kapasidad ng  local response centers.

“This latest assistance builds on our long-standing relationships with local government units across the Philippines, and represents our continued commitment to our Filipino friends, partners, and allies in this time of crisis,” pahayag pa ni US Ambassador Sung. VERLIN RUIZ

Comments are closed.