GALAW PILIPINAS, NATIONAL CALISTHENICS EXERCISE PROGRAM

PARA mai-promote ang aktibong pamumuhay sa mga Filipinos, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Galaw Pilipinas National Calisthenics Exercise Program bilang bahagi ng araw-araw na rutinadong ehersisyo sa mga iskwelahan at community learning centers.

Apat na minuto lamang ang Galaw Pilipinas calisthenics routine na mag-aambag sa 60 minutes of moderate to vigorous physical activity na nararapat sa mga batang edad 5-17 taong gulang.

Ito ang tugon ng DepEd sa impact ng pandemya sa mga mag-aaral dahil nawalan na sila ng ehersisyo mula pa noong 2019. Kulang kasi ang kanilang physical activities na kailangang kailangan ng kanilang katawan para sa kalusugan.

Layon ng DepEd na mapa­lawak ang physical fitness upang magkaroon ang lahat ng healthy lifestyle sa mga mag-aaral. Isa itong paraan upang manatiling malusog at malakas ang mga bata.

Dinibelop ang Galaw Pilipinas sa tulong ng mga workshops na dinaluhan ng PE supervisors at mga Special Program in Sports implementers upang mabigyang diin ang pa­ngangailangan at kahalagahan nito sa mga mag-aaral, teachers, at school officials upang mabigyan ng atensyon hindi lamang ang cognitive and affective pursuits, kundi para na rin mapalakas ang bodily-kinesthetic capacities ng mga kabataan. KAYE NEBRE MARTIN