GALEDO, VELASCO NAGPASIKAT SA CYCLING NAT’L TRIALS

GALEDO, VELASCO

AGE doesn’t matter.

Ito ang pinatunayan ni Mark John Lexer Galedo nang manguna sa Day 1 ng PhilCycling National Trials for Road noong Sabado sa Clark Freeport Zone.

Nakopo ni Galedo, 35, ang gold medal sa men’s individual time trial (ITT) sa oras na 32 minutes at 2.2 seconds sa 24.60-km course na nagsimula sa Clark Parade Grounds.

Nagpakitang-gilas din si Kate Jasmine Velasco ng Philippine Navy-Standard Insurance team sa kanyang gold medal-clinching ride sa women’s ITT, sa pagtipa ng 27:52.814 sa 17.1-km race.

Tinalo ng 21-anyos na si  Velasco si teammate Marianne Dacumos, na tumapos na mabagal ng 22.187 seconds para sa silver medal habang nagkasya sj Maura Delos Reyes sa third na may 00:28:35.452.

Kinuha naman ni Navyman Jhon Mark Camingao (32:28.0) ang silver at nakopo ni Joey delos Reyes (33:00.3) ang men’s ITT  bronze sa event na inorganisa ng PhilCycling, sa pamumuno ni Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Pinangunahan nina Secretary Vince Dizon, president and CEO ng co-presentor Bases Conversion Development Authority, at Police BGen. Manuel Gaerlan (Ret.),  president and CEO ng Clark Development Corporation, ang ceremonial flag off kasama si Arrey Perez, BCDA Vice President for Corpo-rate Services Group.

Gayunman ay nabigo si Galedo, kumakarera para sa  7-Eleven Roadbike Philippines at gold medalist sa Myanmar 2013 Southeast Asian Games, sa golden double nang ma-overshoot ang sharp right-hand bend sa men’s criterium na idinaos sa 2-3-km perimeter ng Clark Parade Grounds sa hapon.

Naghari si Go For Gold’s Dominic Perez sa double points final 20th lap upang makalikom ng 13 points para sa criterium gold medal ng event na suportado ng Smart at MVP Sports Foundation.

Nagkasya sina Navyman Steve Hora (10) at Go For Gold’s Ronnel Hualda (10) sa second at third place, ayon sa pagkakasunod.

Nagparamdam din si Mathilda Krog, 19, sa women’s criterium, at kasama si Velasco ay kinuha ang 1-2 para sa Philippine Navy-Standard Insurance na may 23 at17 points, ayon sa pagkakasunod. Pumangatlo si Avegail Rombaon ng Devel na may 6 points.

5 thoughts on “GALEDO, VELASCO NAGPASIKAT SA CYCLING NAT’L TRIALS”

  1. 123860 796755Its almost impossible to find knowledgeable males and women during this topic, nonetheless you sound like do you know what youre discussing! Thanks 223990

  2. 250337 132808Wow! This could be 1 certain of the most helpful blogs Weve ever arrive across on this topic. In fact Wonderful. Im also an expert in this topic therefore I can comprehend your hard function. 993560

Comments are closed.