ISANG buwan matapos gawaran ng Seal of Good Education Governance, nakakuha muli ang Lungsod ng Navotas ng isa pang prestihiyosong pagkilala, ang Galing Pook Award para sa pagbibigay nito sa mga Navoteño ng Accessible, Holistic and Inclusive Education (ACHIEVE) mula sa pagkamusmos.
Tinanggap nina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Clint Geronimo, Sangguniang Panlungsod Education Committee Chairperson Arnel Lupisan, OIC-Schools Division Superintendent Meliton Zurbano, at city department heads, ang plake sa katatapos na 25th Galing Pook Awards sa Novotel Manila.
Kasama sa ACHIEVE ang sari-saring early childhood education at health initiatives batay sa ‘sustainable and transferable approaches’gaya ng First 1,000 Days, supplemental feeding, Kindergarten on Wheels, Youth and Kids Ministry, at Avot Tour.
Kabilang din dito ang FUNtastic Family Day, Alternative Learning System at Project Gabay Edukasyon para sa mga Mag-aaral na Wala sa Paaralan (GEM), NavotaAs Scholarship Program at iba pa.
Binigyang-diin ni Tiangco ang patuloy na pagbaba ng school drop-outs at pagtaas naman ng bilang ng mga nagtatapos sa Alternative Learning System dahil sa mga programang pang-edukasyon ng lungsod. VICK TANES
639659 676488You could definitely see your skills inside the work you write. The world hopes for more passionate writers like you who arent afraid to say how they believe. At all times follow your heart 667686
I absolutely adore your site! You aggressive me as able-bodied as all the others actuality and your broiled PS is absolutely great!