GALIWAN, MANGLIWAN KINAPOS SA MEDALYA

Gawilan,Mangliwan

NABIGO si Ernie Gawilan na makasungkit ng medalya sa  2020 Tokyo Paralympics men’s freestyle 400-meter – S7 finals nitong Linggo.

Tumapos si Gawilan sa ika-6 na puwesto sa walong finalists na may oras na 4:56.24. Mas mabagal ito ng 25.18 seconds sa likod ni  Mark Malyar ng Israel na nagwagi ng gold sa torneo.

Nagtala rin si Malyar ng bagong world record makaraang maorasan ng 4:31.06.

Pumangalawa si Andrii Trusov ng Ukraine na may 4:35.56, habang nagkasya si American Evan Austin sa bronze na may 4:38.95.

Sasabak pa rin si Gawilan sa men’s backstroke event na nakatakda ngayong Lunes.

Si Gawilan ay umabante sa finals ng men’s 400-meter freestyle-S7 event Linggo ng umaga nang pumuwesto sa sixth overall sa  heats sa Tokyo Aquatic Centre.

Naorasan si Gawilan ng four minutes at 58.58 seconds sa pagkopo ng ika-4 na puwesto sa second heat na pinangunahan ni Malyar.

Bigo rin si wheelchair racer Jerrold Mangliwan na makaakyat sa podium ngunit nagtala ng bagong personal best mark sa men’s 1500m – T52 finals.

Naorasan si Mangliwan ng 3:58.24 upang tumapos sa 6th place sa torneo.

Nakopo ni Tomoki Sato ng Japan ang gold na may 3:29.13 habang kinuha ni  Raymond Martin ng USA ang silver na may 3:29.72. Nagkasya naman ang kababayan ni Sato na si Hirokazu Ueyonabaru sa bronze na may 3:44.17.

Samantala, nagpositibo sa COVID-19 sina discus thrower Jeanette Aceveda at athletic coach Bernard Buen at naka-quarantine na sila ngayon, ilang araw na lamang bago ang kumpetisyon ng atleta sa Martes.

“We are sad to share the news that our para athletic discus thrower Jeanette Aceveda and her coach, Bernard Ebuen, tested positive for COVID-19 after undergoing the mandatory saliva antigen test followed by a confirmatory RT-PCR test at the Tokyo Paralympic Athletic Village,” wika ni Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo.

“Both (Aceveda and Buen) will be brought to an outside quarantine facility in compliance with the Paralympic playbook,” ani Barredo.

“Jeanette is greatly disappointed that she will have to withdraw from her event scheduled for Aug. 31. Although she would not be able to fulfill her dream to compete in the Paralympics and represent the Philippines, she still hopes that there will be more chances to make this come true in the future,” aniya.

“Notwithstanding this setback, our para athletes are more determined than ever for a chance to achieve Paralympic success and glory for our country. Tuloy ang laban! Mabuhay ang atletang Pilipino!” anang PPC chief. CLYDE MARIANO

4 thoughts on “GALIWAN, MANGLIWAN KINAPOS SA MEDALYA”

Comments are closed.