PINASINAYAAN kahapon sa Senado ang Gallery of Legacy para sa mga senador ng kasalukuyang 17th Congress.
Nasa isang pader ang malaking litrato ng mga senador at isang pader ng kanilang litrato na may kasamang accomplishments.
Ayon kay Senate Presidente Vicente Sotto, bagong atraksiyon ito sa Senado ngayon kung saan maipaaalala sa publiko ang gi-nagawa ng mga senador.
“These are challenging times, it’s important to remember what public service is all about. It is encouraging to know that what we do as an institution has a huge effect on our people and our nation,” ani Sotto.
Sakto umano sa selebrasyon ng ika-102 anniversary ng pagkakatatag ng Senado ang pagbubukas ng Gallery of Legacy. VICKY CERVALES
Comments are closed.