GALVEZ BINALAAN SA MAGSASAMANTALA SA PAGBILI NG BAKUNA

bakuna sa polio

PINAG-IINGAT ng mga senador si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga manlolokong indibidwal na nagsasamantala sa negosasyong ginagawa ng gobyerno sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa hakbang ng gobyerno sa COVID-19 immunization program, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III ang kanilang napag- usapan sa meeting ni Galvez  noong Miyerkoles ng gabi kasama ang iba pang senador.

Sa naturang pagpupulong umano ay tiniyak ng vaccine czar na mayroong transparency at matatapos na nila ang negosasyo sa bakuna anumang oras.

Dahil dito kaya pinayuhan umano nila si Galvez na mag- ingat sa iba na posibleng magsamantala sa negosasyon.

Nangako naman si Galvez sa Senado na ipapaalam  ang mga impormasyon patuloy na pagbili ng bakuna  habang ipinakita na rin niya ang mga dokumento kaugnay sa vaccine deals.

Samantala, hindi naman sumipot sa naturang pagdinig ang representatives ng  Chinese firm na Sinovac Biotech.

Ayon sa committee secretariat, kasama sa guest list ang nasabing kompanya subalit walang kumpirmasyon na dadalo ang sinumang representative nila.

Samantala, karagdagang 2,178 bagong kaso ng  COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health araw ng Biyernes.

Sa inilabas na datos ng DOH ay  may 250 na karagdagang gumaling at 20 naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay.

Sa kabuuang bilang ng kaso na 509,887,  32,031 ang aktibong kaso, 91.7 porsiyento (467,720) ang gumaling at 1.99 porsiyento (10,136) ang nasawi.

Walong kaso ang inalis sa kabuuang bilang dahil nadoble lamang at limang kaso na unang naitalang gumaling ay lumabas na kabilang sa mga namatay.

May tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos. LIZA SORIANO

Comments are closed.