CAMP CRAME- IPINAUUBAYA ni PNP General Archie Francisco Gamboa ang desisyon kay pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin ang kaniyang puwesto pagkatapos ng kanyang retirement date sa Setyembre 2.
Sa isang panayam, sinabi ni Gamboa na bahala na ang Pangulo kung ano ang kanyang desisyon habang siya ay tuloy lang sa kaniyang tungkulin.
Sa ngayon aniya magtatrabaho lamang siya hanggang sa araw ng kanyang retirement date at no comment na muna kung sakaling palawigin ang kanyang pagseserbisyo sa Philippine National Police.
No comment din ang PNP Chief nang tanungin kung siya ang susunod na National Bureau of Investigation Director.
Mas maigi aniyang hintayin na lamang ang magiging desisyon ng pangulo.
Si General Gamboa ay itinalagang PNP Chief noong Enero 20, 2020 pero bago ito ay naging PNP officer in charge sa loob ng tatlong buwan simula Oktubre 2019 hanggang Enero 2020. REA SARMIENTO
Comments are closed.