(Gamboa sa kuda ni Espenido:) BAHALA NA ANG SUPERIOR NIYA!

Archie Gamboa4

BAGUIO CITY- BA­GAMAN una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na “internal issue” na lamang sa organisasyon ang pagsasalita ni PLt. Col. Jovie Espenido sa ulat na kasama siya sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahang pagpapaliwanagin pa rin ang tinaguriang drug war poster boy.

Sa panayam kay Gamboa, kaniya nang inatasan ang PNP Region 6 director na si BGen. Rene Pamuspusan na pagpaliwanagin si  Espenido sa umano’y paglabag sa gag order o huwag munang magsalita hinggil sa listahan na nasa drug watch dahil hindi pa tapos ang adjudication.

Ayon kay Gamboa, kung hindi makukumbinsi si Pamuspusan sa paliwanag ni Espenido, maaari itong sampahan ng kasong administratibo at isalang sa pre-charged investigation.

Una nang nilabag ni Espenido ang gag order ni Gamboa sa pamamagitan ng pagpapa-interview sa media kung saan inilabas niya ang sama ng loob sa organisasyon at inakusahan ng failure of intelligence ang PNP na bandang huli ay binawi at iginiit na hindi sa kaniya galing ang salitang “failure of intel-ligence”.

Ipinaliwanag naman ni Gamboa na hindi agad makakasuhan ng insubordination si Espenido dahil kaniyang naiintidihan na maaaring dala lamang ng emosyon kung bakit nakapagsalita ang police colonel.

“Hindi naman, kasi pag sinabing insubordination, that is a very grave offense. Ako naman, sinabi ko sa inyo, bilang ama, I understand people be-cause of emotion, pamilya etc. Kaya ayoko magsalita pero siya nagsalitang una, so we will deal with it accordingly,” paliwanag pa ni Gamboa. EUNICE C.