CAMP CRAME – HINDI makasagot ng diretso si PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa kung pabor ito na mapasailalim sa lifestyle check.
Kasunod ito ng suhestiyon ni ACT-CIS Rep. Eric Go Yap na dapat na sumailalim sa lifestyle check ang mga kandidato sa pagiging PNP Chief para matiyak na malinis ang kanilang rekord.
Ayon kay Gamboa ipauubaya niya sa pangulo ang pagdedesisyon kung sasailalim sa lifestyle check dahil ang office of the president o ang mismong Pangulo ang namimili ng CPNP batay na rin sa nakasaad sa batas.
“We respect the President should he include lifestyle or any other kind of vetting I suggest and I fully recommend that we leave it up to the Office of the President who is actually mandated by law to choose the next chief PNP,” sinabi ni Gamboa.
Samantala, bukod kay Gamboa ang dalawa pang kandidato sa pagka CPNP ay sina PNP directorial staff chief Guillermo Eleazar, at PNP deputy chief for operations Camilo Cascolan.
Kapwa sila nagpahayag ng pagpabor na maisailalim sa lifestyle check. REA SARMIENTO