GAME 1: CELTICS NALUSUTAN ANG PACERS SA OT

HUMATAW si Jayson Tatum ng game-high 36 points at nagdagdag ng 12 rebounds upang pangunahan ang Boston Celtics sa 133-128 overtime victory laban sa bisitang Indiana Pacers sa Game 1 ng Eastern Conference finals noong Martes.

Umiskor si Tatum ng 10 points sa overtime, kabilang ang anim na sunod na nagbigay sa  top-seeded Celtics ng 127-123 kalamangan, may 42.9 segundo sa orasan.

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 28 points at tumapos si Jaylen Brown na may 26 points sa panalo. Makaraang isalpak ni Brown ang corner 3-pointer na nagtabla sa talaan sa  117-117, may 6.1 segundo ang nalalabi sa regulation, nagmintis si Tyrese Haliburton sa isang 3-pointer sa buzzer upang ihatid ang laro sa overtime.

Nagtala si Haliburton ng 25 points at 10 assists, at tumapos si Pascal Siakam na may 24 points, 12 rebounds at 7 assists para sa Pacers. Nag-ambag si Myles Turner ng 23 points sa pagkatalo.

Naipasok ng Indiana ang  9 sa 10 free throws sa laro. Ang Boston ay  24 for 30 mula sa free-throw line.

Gumawa ang Pacers ng  22 turnovers.

Naitala ng  Celtics ang unang  12 points ng laro at umabante sa 34-31 matapos ang isang quarter. Abante ang Boston sa 47-37 matapos ang jump shot ni Holiday, may 8:01 ang nalalabi sa second quarter. Naitabla ng Indiana ang iskor sa  61-61, sa 3-pointer ni Haliburton, may 1:19 ang nalalabi sa half.  64-64 ang iskor sa halftime.

Nanguna si Turner sa lahat ng scorers na may 18 points sa  first half.

Lumamang ang Indiana sa unang pagkakataon sa laro matapos ang layuo ni Haliburton na bumasag sa  64-64 pagtatabla, may 11:25 ang nalalabi sa  third quarter.

Pinalobo ng Pacers ang kanilang kalamangan sa lima, subalit nabawi ng Boston ang kontrol at kinuha ang 87-75 bentahe kasunod ng   three-point play ni Tatum, may 4:50 ang nalalabi sa third, na nagtuldok sa 13-0 run.

Gumamit ang Pacers ng 9-0 spurt upang makalapit ng apat na puntos, 92-88, sa huling bahagi ng third. Naghabol ang Indiana sa 94-93 papasok sa fourth makaraang isalpak ni Haliburton ang buzzer-beating 3-pointer sa pagtatapos ng third.