GAME 1: FINALS TARGET NG FALCONS

falcons

Laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

3:30 p.m. – AdU vs UP (Men Semis)

MAY 21 taon na ang nakalilipas nang huling maglaro ang University of the Philippines sa UAAP men’s basketball Final Four.

Sa mahabang tagtuyot, ang Fighting Maroons ay naging perennial also-ran, kung saan nalasap nito ang ilang zero-win seasons at labis ang pag-bubunyi nang maputol ang 27-game losing streak, apat na taon na ang nakararaan.

May dalawang pagkakataon sana na ­maaaring makalagpas ang UP sa elimination round – noong 2004 at noong nakaraang  season.

Ngayong season, umaasa ang Maroons na hindi mababalewala ang kanilang pagsisikap na makapasok sa Final Four na mahigit dalawang dekada nilang hinintay.

Nakatakda ang bakbakan ng Adamson at UP sa alas-3:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Tiyak na lalaban nang husto ang third-ranked Maroons, na papasok sa semifinals na may three-game winning streak, upang makahirit ng Game 2.  Tangan ng Falcons ang twice-to-beat bonus at isang panalo lamang ang kanilang kailangan para umusad sa championship round.

Ang huling Final Four game ng UP ay noong Okt. 4, 1997 nang matalo ito sa FEU, 67-72, sa deciding game para sa karapatang makaharap ang La Salle sa Finals.

Sa pagkawala ng La Salle sa Final Four picture at sa pagtatapos sa ikalawang puwesto sa likod ng defending champion Ateneo, umaasa ang Adamson na madodominahan nila ang UP para makapasok sa championship round sa unang pagkakataon magmula noong 1992.

Ang pagbabalik nina Sean Manganti at Jerrick Ahanmisi mula sa injuries ay magpapalakas sa Falcons. Ang dalawa ay hindi naglaro sa 56-82 pagkatalo sa  Tamaraws noong Linggo.

Ang resulta ng elimination round ay hindi garantiya para kay Adamson coach Franz Pumaren, lalo na’t ang Final Four ay ibang usapan.

Ang isa pang Final Four duel sa pagitan ng Blue Eagles at ng Tamaraws ay nakatakda bukas ng alas-3:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

2 thoughts on “GAME 1: FINALS TARGET NG FALCONS”

  1. Great post. I used to be checking constantly this blog and I’m inspired! Very helpful information particularly the last section I maintain such info a lot. I was looking for this certain info for a long time. Thanks and best of luck.

Comments are closed.