(Game 1 ng best-of-5 semis) BEERMEN VS E-PAINTERS 

BEERMEN VS E-PAINTERS

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

6:30 p.m. – San Miguel vs Rain or Shine

SASAMBULAT na ang Game 1 ng best-of-5 semifinals showdown sa pagitan ng San Miguel Beer at ng Rain or Shine ngayon sa Araneta Coliseum.

Magsasagupa ang Beermen at Elasto Painters sa alas-6:30 ng gabi na kapwa determinadong kunin ang early lead at palakasin ang title campaign makaraang manaig sa kani-kanilang katunggali sa ‘do or die’ quarterfinals.

Tinalo ng SMB ang twice-to-beat NorthPort sa late heroics ni import Chris McColough at pinatalsik ng RoS ang Blackwater para maikasa ang kanilang semis duel.

Muling pangungunahan ni McColough ang opensiba ng SMB, katuwang sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross, Arwind Santos at dating TNT at NorthPort ace gunner Terrence Romeo, at babantayan nina June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Starhardinger ang shaded area.

Walang katapat sina Fajardo at Starhardinger at ang kanilang height at heft advantage ay mala­king factor sa panalo ng SMB.

Si McColough ay may average na double-double figures per game at inaasahang muli niyang paninindigan ang kanyang billing sa ikalawang pagharap ng SMB sa RoS kung saan tinalo ng Beermen ang Elasto Painters sa elimination round, 89-87, noong nakaraang Hulyo 13 sa Cagayan de Oro City.

Sa labanan ng coaches ay angat si SMB coach Leo Austria kay RoS mentor Caloy Garcia dahil ang una ay certified champion coach.

Hanggang ngayon ay bigo pa rin si Garcia na masungkit ang pinakaaasam-asam na ti­tulo para sa Rain or Shine magmula nang kunin ang coaching job kay Yeng Guiao na lumipat sa NLEX Road Warriors.

Umaasa si Austria na muling kikinang si McColough na may ipinagmamalaking credential bilang NBA veteran na naglaro sa Brooklyn Nets at Washington Wizards makaraang sumalang sa Syracuse University sa US NCAA.

“I am expecting him to deliver the needed points. Hopefully, he will live up to his billing as all-around player,” sabi ni Austria. CLYDE MARIANO

Comments are closed.