Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
7 p.m. – San Miguel vs Magnolia
ASAHAN ang umaatikabong bakbakan sa pagsisimula ng best-of-7 title series ng defending Philippine Cup champion San Miguel Beer at Magnolia ngayon sa Araneta Coliseum.
Target ni SMB coach Leo Austria ang ika-5 korona habang siskapin ni Magnolia coach Chito Victolero na putulin ang pama-mayagpag ng una sa liga.
Pinatalsik ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters, 4-1, at sinibak ng Hotshots ang Rain or Shine Elasto Painters, 4-3, sa magkahiwalay na best-of-seven semifinal series upang maisaayos ang best-of-seven finals.
Overwhelming favorite ang SMB dahil sa lalim ng bench nito at nakalalamang ang Beermen sa halos lahat ng departamento at sa presensiya ng ‘twin towers’ nina June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Standhardinger na magiging malaking hadlang sa title campaign ng Magnolia at sa ikalawang sunod na korona ni Victolero matapos na angkinin ang Governors Cup kontra Alaska noong nakaraang season.
Walang maitatapat si coach Victolero maliban kina Ian Sangalang at Rafi Reavis at ang dalawang big men ng Magnolia ay ku-lang sa taas at laki ng katawan para makipagbanggaan kina Fajardo at Standhardinger sa low post.
Ang tanong ay ma-sweep kaya ng SMB ang serye?
Humble and low profile, sinabi ni coach Austria na kailangang kumayod nang husto ang kanyang tropa at hindi dapat mag-over confident dahil malakas ang Magnolia at hindi puwedeng maliitin ang kakayahan nitong manalo.
“Magnolia is a tough nut to crack capable of turning the table on their favor. We have to play superior and with fire and intensity to win,” sabi ni Austria.
Sa opensiba, muling sasandal si Austria sa kanyang mga kamador na sina skipper Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross, Arwind Santos at Terrence Romeo at itatapat ni Victolero sina Mark Andy Barroca, Jio Jalalon, Justin Melton. Robert Herndon, Aldrech Ramos at Rome de la Rosa. CLYDE MARIANO
Comments are closed.