Laro ngayon:
(Alcantara Civic Center, Cebu)
7:00 n.g. – MJAS-Talisay vs KCS-Mandaue
(Game 1, best-of-three Final)
MAGTUTUOS ang MJAS Zenith-Talisay City at ang KCS Computer Specialist-Mandaue City sa Game 1 ng best-of-three championship show-down sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ngayong gabi sa Alcantara Civic Center.
Kumpleto ang paghahanda ng Talisay City matapos ang maagang pahinga dulot ng makasaysayang 10-game sweep sa double-round elimination ng kauna-unahang professional basketball league sa South sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).
Liyamado ang pre-tournament favorite sa salpukan sa alas-7 ng gabi, lalo’t dumaan sa winner-take-all ang KCS laban sa ARQ Builders Lapu-Lapu sa semifinals match-up.
Sa head-to-head duel sa eliminations ay tangan din ng Talisay City ang bentahe sa Mandaue City — 77-57 dominasyon nitong Abril 13 at 81-73 de-sisyon nitong Abril 24.
Ngunit para kay Aquastars head coach Aldrin Morante, walang bentahe at balik sa wala ang sitwasyon.
“We’re back to 0-0,” sabi ni Morante. “Forget about 10-0. This is the finals and we need to stay hungry and we need to stay sharp.”
“We can’t be complacent on any of them and we have to limit their scoring since they’re the ones who give life to KCS. KCS is a heavy-hitter and we all need to stay focused,” dagdag pa niya.
Tunay na hindi dapat magkumpiyansa ang MJAS laban sa KCS na nagpamalas ng katatagan at tunay na character sa do-or-die semis match kontra Lapu-Lapu City, 74-64, noong Miyerkoles ng gabi.
Matapos ang nakadidismayang laro sa unang laban noong Martes ng gabi, nakabawi ang KCS para kalusin ang Heroes at makuha ang pagkakataon na makaharap sa best-of-three championship ang walang talong MJAS Zenith-Talisay City.
Bumawi si Gryann Mendoza, nalimitahan sa limang puntos nitong Martes, sa kinamadang 25 puntos, tampok ang 5-of-7 shooting sa three-point ar-ea, 8 rebounds, 1 assist, 1 steal at 2 blocks.
Nalimitahan ng Mandaue si Reed Juntilla, nagtala ng average na 22.6 puntos sa huling tatlong laro ng ARQ, sa mababang 13 puntos mula sa 6-of-17 shooting. Nagdagdag si Tangkay ng 12 puntos at nagbuhos si Ochea ng 15 puntos at 16 rebounds.
Iskor:
KCS-Mandaue (74) – Mendoza 25, Tamsi 7, Sorela 6, Imperial 6, Octobre 5, Exciminiano 5, Soliva 5, Nalos 4, Bregondo 4, Roncal 3, Bonganciso 2, Cachuela 2, Delator 0, Mercader 0.
ARQ Lapu-Lapu (64) – Juntilla 13, Tangkay 12, Ochea 11, Lusdoc 6, Canada 6, Minguito 4, Mondragon 3, Galvez 2, Arong M. 1, Senining 0, Arong F. 0.
QS: 28-15, 46-32, 57-45, 74-64.
101049 385486Im glad I found your article. I would never have made sense of this subject on my own. Ive read some other articles on this subject, but I was confused until I read yours. 350182
323161 39866I surely didnt know that. Learnt one thing new these days! Thanks for that. 395536
534021 264672I got what you intend,bookmarked , really decent internet internet site . 177900