GAME 3 (Bolts, Aces mag-aagawan sa 2-1 bentahe)

alasca and meralco

Laro ngayon:

(Cuneta Astrodome)

7 p.m. – Meralco vs Alaska

(Game 3, serye tabla sa 1-1)

MAG-AAGAWAN ang Meralco Bolts at Alaska Aces sa 2-1 bentahe sa Game 3 ng kanilang best-of-5 semifinals series sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.

Naitabla ng Aces ang serye sa 1-1 makaraang putulin ang seven-game winning streak ng Bolts sa pamamagitan ng 100-95 pana-lo sa Game 2 noong Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nanguna sina Mike Harris, Simon Enciso at Chris Banchero bago naisalpak ng Aces ang mga krusyal na charities upang maapula ang mainit na paghahabol ng Bolts.

“We got out of a hole and we’ve now got a best-of-three,” wika ni Alaska coach Alex Compton matapos ang laro.

Ang magwawagi sa laro ngayon ay lalapit sa best-of-seven finals.

Sa Game 2 ay halos perpekto ang Aces sa stripe (20-of-21), kabilang ang  six-of-six nina Jvee Casio at Simon Enciso.

“That was massive, especially as I think we’re among those in the bottom (free throw shooting) in the tourney,” wika ni Comp-ton.

Bago ang Game 2, ang Alaska ay 11-of-17 lamang sa free throws kada laro.

One thought on “GAME 3 (Bolts, Aces mag-aagawan sa 2-1 bentahe)”

Comments are closed.