Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
7 pm. – Ginebra vs Rain or Shine
BABASAGIN ng Rain or Shine at Barangay Ginebra ang 1-1 pagtatabla sa Game 3 ng kanilang best-of-5 semifinals series sa PBA Com-missioner’s Cup ngayon sa Mall of Asia Arena.
Nakatakda ang duelo ng Elasto Painters at Kings sa alas-7 ng gabi kung saan ang mananalo ay lalapit sa best-of-seven finals.
Naitabla ng RoS ang serye makaraang magwagi sa Game 2, 109-100, kamakalawa.
Nasa Rain or Shine ang momentum at tiyak na sasamantalahin ito ni coach Caloy Garcia upang kunin ang 2-1 bentahe.
“The momentum is on our side. We will exploit it to the hilt to win the pivotal Game 3,” sabi ni Garcia.
Mailap pa kay coach Garcia ang korona sa PBA matapos ipagkatiwala sa kanya nina teams owners Raymond Yu at Terry Que ang coaching job na iniwan ni coach Yeng Guiao na lumipat sa NLEX.
Kilala bilang motivator, inaasahan namang babawi si Ginebra coach Tim Cone upang kunin ang krusyal na panalo.
Naging susi sa panalo sa Game 2, muling pangungunahan nina import Reginald Johnson at James Yap ang opensa ng Rain or Shine, katuwang sina Maverick Ahammisi, Chris Tiu, Beau Belga at Raymond Almazan.
Sasandal naman ang Ginebra kina import Justin Brownlee, LA Tenorio, Scottie Thompson, Sol Mercado, Joe Devance, Kevin Ferrer at twin towers nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter. CLYDE MARIANO
Comments are closed.