KAILANGANG may makatuwang si LeBron James upang makaahon ang Cleveland Cavaliers sa 0-2 pagkakabaon la-ban sa Boston Celtics sa NBA Eastern Conference finals, ayon kay Cavs big man Tristan Thompson.
“Other guys have to contribute and step up,” wika ni Thompson habang naghahanda ang Cavs na maging host ng Game 3 ng best-of-seven series sa Sabado (Linggo sa Manila).
“We all have to do it collectively. Of course, it’s a huge luxury having LeBron on our team. At the same time, we have to be ready to play and we have to do our job.”
Ayon kay teammate JR Smith, pinupuwersa ng Cavs si James na akuin ang lahat ng bigat para manalo ang koponan.
Subalit maging ang 42-point triple-double ni James, isang four-time NBA Most Valuable Player, ay hindi sapat sa pagkatalo ng Cavaliers sa Game 2 sa Boston.
Humabol ang Celtics sa 11-point first-half deficit upang maitarak ang 107-94 panalo.
Laban sa Boston defensive side na nanguna sa regular season, ang Cavaliers ay kumonekta lamang ng 36 percent ng kanilang ti-ra mula sa field – at 15 percent lamang mula sa three-point range – sa Game 1. Bumuslo sila ng 46 percent sa Game 2, subalit hindi pa rin nakaiskor ng 100 points sa laro.
“I think they just do a really good job of contesting shots,” sabi ni Kevin Love ng Cleveland. “They’ve been physical the entire playoffs. We just have to bring it at home and make sure we come out and are in attack mode.”
Aniya, pinaigting nila ang kanilang opensa sa mga ensayo bago ang Game 3.
Comments are closed.