GAME 4: 3-1 O 2-2?

SINAGASA ni CJ Perez ng San Miguel Beer ang depensa ng Magnolia players sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup finals noong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum. Kuha ni RUDY ESPERAS

Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)

7:30 p.m. – San Miguel vs Magnolia
(Game 4, Beermen abante sa serye, 2-1)

MATAGUMPAY na napigilan ang napipintong sweep nang pataubin ang San Miguel Beer sa Game 3, sisikapin ng Magnolia na maitabla ang serye sa 2-2 sa  Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup finals ngayong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan sa alas-7:30 ng gabi.

Tiyak na maglalaro nang husto at pipilitin ni Tyler Bey na manalo ang Magnolia bilang regalo sa kanyang kaarawan sa Pebrero 10.

Pangungunahan ni Bey ang opensiba ng Hotshots katuwang sina Andy Marc Barroca, Paul Lee, Calvin Abueva, Jio Jalalon at Rome de la Rosa habang pagtutulungan nina Ian Sangalang at James Laput na bantayan si June Mar Fajardo.

Pinuri ni Magnolia coach Chito Victolero ang dating  NBA player sa pagdepensa kay SMB counterpart Bennie Boatwright sa Game 3 ng  title series, na sa huli ay nagbigau sa Hotshots ng 88-80 panalo.

Tumapos si Bey na may 11 points lamang at 6 rebounds, subalit nalimitahan si Boatwright sa 10-of-28 shooting mula sa field. Ang San Miguel import ay nagtala ng  27 points at 13 rebounds, ngunit gumawa ng walo sa 20 turnovers ng koponan.

I think he’s the best player to be assigned on Boatwright,” sabi ni Victolero patungkol kay Bey, na dating may  average na 25 points at 15 rebounds.

Tyler is also a very skilled player, very athletic, he’s long and he’s quick.”

TBey knows that we need that defensive mentality against Boatwright and he’s the one assigned,” dagdag pa ng Magnolia mentor. “Hopefully next game magawa niya yung same job na yan, same mentality sa defense.”

Tiyak namang hindi makapapayag si coach Jorge Gallent na makaulit ang   Magnolia at maitabla ang serye sa 2-2 upang hindi malagay sa balag ng alanganin ang kanilang title campaign.

Target ni Gallent ang unang PBA crown matapos mabigo sa nakaraang conference. Pinalitan ni Gallent si coach Leo Austria na ngayon ay  consultant ng koponan. Bukod kay Boatwright, muling sasandal si Gallent kina Marcio Lassiter, Jaymar Perez, Chris Ross, Jericho Cruz, Terrence Romeo Celedonio Trollano at Jeron Alvin Teng,  Fajardo at Moala Tautuaa.

CLYDE MARIANO