GAME 6 o GAME OVER? Celtics muling magtatangka sa NBA crown

KUNG may isang player na nakaaalam kung gaano kasidhi ang pagnanais ng Boston Celtics na tapusin ang Mavericks sa Game 5 ng NBA Finals sa Lunes ng gabi, ito ay si Dallas guard Kyrie Irving.

Si Irving ay naglaro ng dalawang seasons sa Boston (2017-19), subalit naging kontrabida siya sa paningin ng Celtics fans magmula nang umalis sa koponan at pumirma sa Brooklyn Nets sa summer ng 2019. Umalingawngaw ang mga pangungutya kay Irving sa buong TD Garden sa Games 1 at 2 — pares ng Mavericks losses — bago sumalang ang Boston sa road at lumabas ng Dallas na may 3-1 lead sa serye.

At ngayong kumakatok ang Celtics sa pinto ng ika-18 titulo sa franchise history, tila nakakita si Irving ng kapayapaan sa kanyang puwesto sa Boston history habang naghahanda sa pagbabalik sa hostile environment.

“Now being older with hindsight looking back, I definitely would have taken time to know the people in the community and talked to some of the champions that have come before me,” pahayag ni Irving sa mga reporter noong Linggo. “They have championship pedigree here. … They expect you to seamlessly buy into the Celtics’ pride, buy into everything Celtics.

“And if you don’t, then you’ll be outed. I’m one of the people that’s on the outs. I’m perfectly fine with that, you know what I mean. I did it to myself.”

Subalit ang Celtics greats ng mga nakalipas na taon ang huling nasa isip ni Boston coach Joe Mazzulla.

Si Mazzulla ay tinanong kung gaano magiging espesyal na samahan ang mga coach na tulad nina Red Auerbach, Bill Russell at K.C. Jones bilang mga gumiya sa Celtics team sa championship. Walang pag-aalinlangan, agad niyang ibinaling ang pokus sa Game 5.

“That will never happen if you don’t run back on defense, rebound, execute and get to your spacing,” sabi ni Mazzulla. “That’s the most important thing.”

Ang naturang mga fundamentals ang wala sa Boston noong Biyernes upang malasap ang 122-84 blowout sa Game 4.

Tumapos si Jayson Tatum na may team-high 15 points para sa Celtics, at umaasa siya na maibabalik ng Boston ang brand of basketball na nagresulta sa 79 panalo nito sa 100 games sa pagitan ng regular season at playoffs noong 2023-24.

“I think we maybe put too much pressure on ourselves at that moment to be perfect or think it was going to go how we wanted it to go,” wika ni Tatum hinggil sa pagkatalo ng Celtics noong Biyernes. “Joe did a great job (Sunday) of reminding us that it’s OK to smile during wars. It’s OK to have fun during high-pressure moments. That’s what makes our team unique and special.”

Nagbuhos si Luka Doncic ng 29 points at gumawa si Irving ng 21 noong Biyernes upang manatiling buhay ang Dallas. Ang Mavericks ay nagtatangkang maging unang koponan sa kasaysayan ng NBA na nalusutan ang 3-0 deficit sa isang best-of-seven series.

Ang mga koponan ay 0-156 kapag natatalo sa unang tatlong laro ng isang serye.

“I think the most important thing is to show that we believe,” ani Doncic.

“I think we showed in Game 4. If not, if we wouldn’t believe, we probably wouldn’t have won that game. So I think obviously the talk is easy to talk about it, but then showing it is another thing.”