Sisikapin ng La Salle na mahila ang serye sa deciding Game 3. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre, San Juan)
2 p.m. – UST vs UPHSD (bronze medal)
4 p.m. – DLSU vs ADU
(finals)
SISIKAPIN ng Adamson na makumpleto ang sweep habang determinado ang La Salle na makabawi at manatiling buhay sa Game 2 ng 2023 Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals finals ngayong Sabado sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.
akaraan ang stunning victory sa Game 1, tatangkain ng Lady Falcons na tapusin na ang serye sa 4 p.m. showdown laban sa Lady Spikers na pipilitin namang maihatid ang maikling serye sa winner-take-all Game 3 sa Linggo.
Nakauna ang Adamson sa race-to-two duel sa pamamagitan ng 22-25, 25-17, 17- 25, 27-25, 16-14 comeback win upang lumapit sa pagiging inaugural national champion ng SSL.
Nanguna si seasoned spiker Lucille Almonte para sa Lady Falcons katuwang sina Ayesha Juegos, Lorene Toring at Sharya Ancheta, gayundin si super rookie Red Bascon, sa kanilang epic comefrom-behind win.
Subalit hindi pa tapos ang laban at kailangan ng Lady Falcons na masustina ang ‘nofear mentality’ laban sa UAAP champion.
“Kailangang gustuhin natin na laging manalo. When it comes na tatapak kami sa loob ng court at maglalaro lang kami na La Salle ang kalaban natin, kakainin tayo ng buhay ng La Salle,” sabi ni coach JP Yude, na handa sa pagresbak ng La Salle.
Tunay na gigil ang La Salle, ang title favorites sa simula pa lamang ng 12-team SSL national tilt, na makaganti makaraang masayang ang comfortable leads, kabilang ang 20-11 kalamangan sa fourth set, ng Game 1.
Para sa Lady Spikers, ito ang perfect chance para maibalik ang kanilang porma at maipakita ang kanilang championship pedigree laban sa nasa porma at mataas ang morale na Lady Falcons.
“Everybody gave their all but there’s always room for improvement for all of us. It’s a lesson to work harder and play smarter. Obviously, (with) the winner and positive mindset, I know we can do this but it is (about) putting into work and the effort,” sabi ni ace player Shevana Laput, na ang tournament-high na 30 points ay nasayang sa kanilang pagkatalo.
Nakahandang sumuporta kay Laput sina Alleiah Malaluan, Thea Gagate at Baby Jyne Soreño sa pagtatangka ng La Salle na mahila ang serye sa Game 3.
Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay pupuntiryahin ng University of Santo Tomas ang bronze medal kontra University of Perpetual Help System Dalta matapos ang magaan na 25-15, 25-22, 25-15 win sa Game 1 sa likod nina Regina Jurado at Angeline Poyos.