GAMEFOWL FACILITIES

SABONG NGAYON

KUNG  tayo po ay magtatayo ng isang farm o manukan, backyard man o malaking farm, mahalaga na lagi po nating uunahin ang paglalagyan ng ating mga manok para iwas-disgrasya.

Madali lamang po magparami ng manok pero tiyakin po lamang natin na kaya natin silang alagaan lahat na hindi nakokompromiso ang kanilang kalusugan at hindi sila nagsisiksikan sa isang lugar. Dapat manageable lang, ika nga.

“Kung gaano kadami ang alagang manok ay siya ring dami ng sakit ng ulo,” ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Kung anong alaga mo sa manok mo ay iyon lang din ang ibibigay niya sa iyo!” dagdag pa niya.

Aniya, tulungan po natin ang ating mga manok habang nasa mga kamay pa natin o hawak-hawak mo pa siya dahil kapag nabitawan mo na siya ay hinding-hindi mo na siya matutulungan.

“Always give your best kasi patayan ang kanilang pupuntahan!” ani Doc Marvin.

Sinabi pa ni Doc Marvin na madali lamang humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi tayo makakakita ng siguradong mananalo.

“Huwag na huwag mo siyang bibigyan ng dahilan na ipatalo ka. Anuman mahal ng presyo at super galing ng isang manok ito po ay natatalo pa rin!” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, ang magaling na manok lamang ang malapit sa suwerte.

“25 percent bloodline, 25 percent suwerte o malas, at 50 percent ay kung paano mo inalagaan,” ani Doc Marvin.

“Mas magaling pa ang hindi napalaban kaysa napalaban nga pero talo naman!” pagtatapos niya.

4 thoughts on “GAMEFOWL FACILITIES”

  1. 948178 414612Hello. Cool article. Theres an concern with the website in internet explorer, and you might want to test this The browser is the marketplace chief and a large element of other folks will miss your wonderful writing due to this problem. 578874

Comments are closed.