UTAH – NAKAKULONG ngayon ang isang Filipino na itinurong namaril na ikinasawi ng isa katao sa Estados Unidos.
Kinilala ang inaresto na si Jonathan Llana na namaril habang lulan ito ng kanyang sasakyan sa isang highway noong Mayo 22.
Batay sa Utah Police, idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang American driver habang sugatan ang kasama nito.
Ayon sa awtoridad sa nasabing bansa, kanilang hinabol si Llana at naabutan saka inaresto sa kanyang getaway car.
Nabatid na ang ginamit na kotse ng Pinoy ay isa palang carnapped.
Nahaharap ngayon si Llana sa kasong murder at attempted murder cases.
Patuloy namang iniimbestigahan kung ano ang motibo ni Llana sa pamamaril. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.