(Gamit ang PAF Cargo plane) 26 STRANDED FOREIGNERS INIHATID SA MAYNILA

Arvin Encinas

GAMIT ang isang cargo plane ng Philippine Air Force (PAF) na naghahatid ng mga medical supplies sa Mindanao mula Manila ay inihatid ng  AFP Western Mindanao Command (Westmincom) ang may  26 stranded foreign national mula  Zamboanga City patungong Maynila.

Sa report na ibinahagi sa media ni Lt.Col Arvin Encinas kabilang sa mga banyangang naipit sa lockdown ay mga American, French, Canadian, German, Arabian, Korean at Taiwanese nationals.

Subalit bago sila pinasakay ng Philippine Air Force C-295 plane ay tiniyak muna ng mga tauhan ng Westmincom at DOH ma makapag pakita sila ng complete documents, kabilang ditto ang health certificate na nagpapatunay na wala silang sintomas ng coronavirus disease.

Nilinaw ni Encinas na nagkaroon muna ng tamang koordinasyon ang national agency bago ihataid ang mga stranded foreigners patungo sa Manila.

“These foreigners could not fly out of the country because of the travel restrictions imposed by the government due to the coronavirus disease pandemic.”

Nabatid na naghahatid din ng medical supplies, cargo, at stranded military and civilian personnel mula Metro Manila pabalik din ng Zamboanga City ang erolano ng araw ding iyon.

Ayon kay AFP Westmincom Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana: “they will continue to provide transportation assistance amid this crisis kasabay ng paghahatid ng medical supplies sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Inihayag pa ni Gen. Sobejana sa pamamagitan ng Tactical Operations Wing-Western Mindanao at koordinasyon sa Department of National Defense, ay matagumpay na naihatid ang mga medical supplies, cargoes, at stranded military/civilian personnel mula  Metro Manila papuntang  Zamboanga City.

Nabatid na sa kahilingan ni COVID-19 National Task Force Implementer OPAP  Secretary Carlito Galvez, Jr., hniling nito na isabay na pabalik ng Pasay City ang 26 stranded foreign nationals.

“The Armed Forces of the Philippines continually provides transportation assistance amid the crisis brought about by the corona virus disease,” ani Lt. Gen. Cirilito Sobejana, WestMinCom commander.            VERLIN RUIZ

Comments are closed.