Puwedeng labanan ang polusyon sa dagat kung magiging maayos ang pamamahala ng basura sa plastic, ito ang pahayag ng World Bank Group (WB).
Ayon sa WB, kailangang tugunan ang problema sa basura ng Malaysia, Filipinas at Thailand, partikular ang single used plastic.
Kailangan umanong magkaroon ng industriya ng pag-recycle ng plastik at papel bilang suporta sa kanilang ekonomiya.
Sa report, ikaapat na bahagi lamang ng used plastic sa Malaysia, Filipinas, at Thailand ang nare-recycle.
Mahigit 75% ng plastik ang itinatapon lamang na ang katumbas ay $ 6 bilyon bawat taon sa tatlong mga bansa.
Gayom pa man, kung mare-recycle umano ang mga single used plastic ay magkakaroon ng oportunidad ang tatlong bansa na magkaroon ng bagong industriya na mag-aangat sa kanilang ekonomiya.
Ayon kay World Bank Country Director Ndiamé Diop, maraming benepisyong pang-ekonomiya ang makukuha ng tatlong bansa kung maitatayo ang nasabing industriya.
Malaki ang merkado nito at makatutulong pa para malabanan ang polusyon.
Handa naman ang WB na tulungan ang tatlong bansa upang maitayo ang recycling industry sa tatlong bansa.
Gayunman, kakailanganin na maging mahusay ang tatlong bansa sa pag-uri ng plastic, itakda ang mga target na paggagamitan nito, magkaroon ng pamantayang “disenyo para sa pag-recycle”, magkaaroon ng kakayahang mekanikal at kemikal sa recycling, tamang pagkolekta ng basura, at paghihigpit sa pagtatapon ng plastik sa mga landfill.
Samantala, tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGUs) Concerns Benny Antiporda na suportado nila ang proposisyon ng WB.
Aniya, welcome sa Filipinas ang anumang proposisyong makatutulong upang maresolba ang problema sa basura.
Hindi pa umano ito sapat, ngunit malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang basurang matagal nang pinoproblema ng bansa. NENET L. VILLAFANIA
548701 974201Youll uncover some fascinating points in time in this post but I do not know if I see all of them center to heart. Theres some validity but I will take hold opinion until I appear into it further. Fantastic post , thanks and we want significantly far more! Added to FeedBurner too 940112