GAMIT NA SCAFFOLDING BUMAGSAK, OBRERO MALUBHA

scaffolding

NASA malubhang kalagayan ang isang construction worker matapos bumagsak ang gamit nitong scaffolding sa pagkabit ng metal paring sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Si Dino Bazar, 38, ng 3411 C. Arellano St., Bacood, Sta Mesa, Manila ay isinugod ng kanyang mga katrabaho sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tinamong sugat sa katawan.

Sa report na natanggap ni Malabon police chief Senior Supt. Jessie Tamayao, ikinakabit ng biktima ang isang metal paring sa loob ng Fisher Mall habang ginagabayan ni Elchie Binetez, 29, nang bigla na lamang bumagsak ang kanyang gamit na scaffolding at bumagsak sa ibaba alas- 3 ng hapon.

Ang bagong gawang Fisher Mall sa kanto ng C-4 Road at Dagat-Dagatan Avenue sa Brgy. Longos na pag-aari ng negosyanteng si Ray Del Rosario ng Mallers Management Corp. ay naka-iskedyul para sa soft opening ngayon sa grand opening sa susunod na taon.     VICK TANES

Comments are closed.