MAGSUSUOT ng mga body camera ang mga pulis na naka-deploy sa Special elections sa 12 barangay sa Tubaran, Lanao Del Sur sa Mayo 24.
Ayon kay PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano De Leon, ito ay para masiguro ang transparency sa panig ng mga pulis, at para magamit sa legal na opensiba laban sa mga magtatankang i-sabotahe ang halalan.
Ayon kay De Leon, ipinag-utos niya ang paggamit ng lahat ng accessible na body camera sa rehiyon para ma-monitor ng mga Police Commander ang real-time situation sa Special election.
Mahigit tatlong libong body camera ang binili ng PNP noong nakaraang taon na ipinamahagi sa iba’t ibang himpilan ng pulis sa buong bansa.
Bukod sa pagtiyak ng seguridad, magsisilbi ang mga pulis bilang Special board of election inspectors (SBEI) sa idaraos na Special election. EUNICE CELARIO