PINAALALAHANAN kahapon ni Atty. Vic Rodriguez, ang abogado at tagapagsalita ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kampo ni Vice President Leni Robredo na ibinasura ng Korte Suprema ang draft decision ni Associate Justice Benjamin Caguioa, na nagsasaad na ibasura ang kanyang electoral protest.
Sa isang kalatas sinabi ni Rodriquez na ibinasura ng Supreme Court ang dissenting opinion ni Caguioa na ginagamit ng kampo ni Robredo ngayon na basehan.
Sa naturang opinyon, ipinababasura ng mahistrado ang electoral protest ng dating senador dahil sa umano’y kawalan ng “sub-stantial recovery” sa pilot provinces kung saan nagkaroon ng recount.
Ayon sa kampo ni Marcos, binalewala naman ito ng mataas na hukuman na nag-utos na magpatuloy ang election protest at inatasan pa ang magkabilang panig na magsumite ng komento at memoranda.
“Precisely why the majority of the Tribunal by a very decisive 11-2 vote emphatically junked that Caguioa minority opinion favoring Mrs. Leni Robredo finding the figures presented before them to be outrageous and ordered the election protest to proceed with the parties to file their Comment and Memoranda,” ani Rodriguez.
Nauna rito, ibinunyag ng kampo ni Robredo na tumaas pa ng 15,000 ang boto nito batay sa inisyal na resulta ng recount.
Pero ayon kay Rodriguez, ang maagang pagdiriwang at pag-angkin ng panalo ni Robredo ay “advance information” lamang at nagpapatibay sa hinala nila na may espiya ito.
“It only confirmed our suspicion that Mrs. Robredo’s premature celebration and claim of another fake victory in the Tribunal was a product of advance information she’s been receiving all along through a highly placed deep throat,” dagdag ng abogado ni Marcos.
Una nang sinabi ni Rodriguez na hindi nila alam kung saan kinuha ng kampo ni Robredo ang impormasyon na 5,000 boto lamang ang narekober ni Marcos.
Kaya aniya sila tahimik ukol sa electoral protest ay dahil ayaw nilang magsalita base sa tinawag nitong “appropriated documents.” ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.