CAGAYAN-SA tulong ng ilang residente ay nadiskubre ng 17th Infantry Battalion Philippine Army, ang ibat-ibang klase ng pagawa ng pampasabog na pinaniniwalaang gamit ito ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na nahukay sa bahagi ng Sitio Daligan, Barangay San Juan, Zinundungan Valley.
Sa nakuhang impormasyon mula sa 5th Infantry (Star) Division ng Philippine Army, habang nagpapatrolya ang tropa ng 17th Infantry Battalion sa naturang lugar nilapitan sila ng isang concerned citizen upang ipagbigay alam na mayroong mga nakatagong mga gamit pampasabog sa isang masukal na lugar.
Kaagad namang nagtungo sa lugar ang mga sundalo kung saan natagpuan ang isang container na naglalaman ng mga pampapasabog, mga gamit pandigma,librong patungkol sa rebolusyonaryong pakikibaka at subersibong dokumento na pagmamay-ari ng teroristang CPP-NPA.
Kasunod nito, boluntaryo sumuko sa pamahalaan ang isang mataas na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) at pagbaba ng armas ng isang miyembro ng Militia ng Bayan (MB) sa bayan ng Rizal, Cagayan nitong Mayo 7.
Sa bahagi naman ng Barangay Masi, isa pang miyembro ng Milisya ng Bayan na sakop ng teroristang West Front Committee, Komiteng Probinsya-Cagayan (KOMPROB-Cagayan), Komiteng Rehiyon-CagayanValley (KR-CV) ang sumuko kasama ang shotgun na ipinapagamit sa kanya ng teroristang CPP-NPA.
Isa pa ring kasapi ng makakaliwang kilusan ang sumuko na kabilang sa medical officer ng East Front Committee, KOMPROB-Cagayan, KR-CV sa pamamagitan ng Community Support Program sa nasabing lugar. IRENE GONZALES
965914 55722Soon after study some with the blog posts within your web site now, and i genuinely such as your technique for blogging. I bookmarked it to my bookmark site list and are checking back soon. Pls look into my internet internet site likewise and make me aware what you consider. 115082