Talaga namang mahal magpagamot ngayon. Napakalaking gastusin ang kaakibat ng pagkakasakit. Ngunit kaagapay niyo ang PhilHealth sa mga oras na gaya nito. Ngunit ang tanong, madali lang bang gamitin ang benepisyong PhilHealth?
Madalas din natin tanong, “Kwalipikado ba akong makakuha ng PhilHealth benefits?”, pati na “Ano ang mga dokumentong hihingin sa akin para magamit ang benepisyo?” Ang maling akala ng karamihan ay mahirap ang proseso ng pag-a-avail ng benepisyo kung kaya’t minsan ay minamabuti na lamang na huwag magpa-admit o kaya’y huwag mag-avail ng PhilHealth benefits. Simple lamang ang paraan upang tayo ay makagamit ng benepisyo mula sa PhilHealth.
Ano nga ba ang kailangang ihanda para maging hassle-free ang paggamit ng benepisyo?
Hindi hadlang kung wala kang Member Data Record (MDR) o PhilHealth ID. Siguraduhin lang na updated ang inyong membership record at kontribusyon, at accredited ng PhilHealth ang pasilidad na iyong pupuntahan, siguradong walang aberya ang paggamit mo ng benepisyo.
Sa oras na kayo ay ma-admit, at mayroong Health Care Institution Portal o HCI Portal ang ospital, mag-presinta lamang ng isang (1) valid ID upang maberipika ang inyong pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng HCI portal, makikita na ng pasilidad ang inyong membership record sa PhilHealth.
Ang HCI Portal ay maaaring sumagot ng “YES” kung ang miyembro ay kwalipikado. Dito, wala nang kailangan pang dokumentong hingin sa miyembro. Kung ang HCI Portal naman ay sumagot ng “NO”, huwag mag-alala sapagkat iko-comply mo lamang kung ano ang isinasaad na discrepancy mula sa Portal. Ang mga kadalasang dahilan kung bakit sumasagot ng “NO” ang HCI Portal ay dahil hindi nakadeklara sa iyong record ang iyong dependent, kung halimbawang siya ang pasyente; o di kaya naman ay may kulang kang kontribusyon, at iba pa.
Pero huwag mabahala, kung may discrepancy sa inyong record, magsumite lang sa ospital ng pinunan na PhilHeallth Member Registration Form o PMRF at kinakailangang supporting documents. Kung ang tinukoy naman ng Portal ay kakulangan sa kontribusyon ay bayaran lamang ang nakaligtaang buwan at maaari nang maka-avail ng benepisyo.
Kung sakali naman na walang kakayahang magbayad ng kontribusyon, lumapit po tayo sa social welfare ng ospital para ma-assess at posibleng mai-enroll sa Point of Service o POS.
Maaari ring mag-inquire sa nakatalagang PCARES sa ospital tungkol dito. Ang PCARES ay mga empleyado ng PhilHealth na itinalaga sa piling mga ospital upang mag-assist sa mga miyembro.
Alam n’yo ba na maging ang confinements abroad ay kino-cover din ng PhilHealth? Mayroong 180 days para maisumite ang mga dokumento sa alinmang tanggapan ng PhilHealth.
Layon ng Universal Health Care na ang bawat Filipinong magkakasakit ay makakukuha ng benepisyo mula sa PhilHealth. Karapatan po natin ito, kaya huwag matakot magkasakit dahil sagot kayo ng PhilHealth!
PAALALA
Para sa kumpletong listahan ng mga medical at procedure Case Rates na saklaw ng 30% adjustment, mag-login sa www.philhealth.gov.ph. Maaari rin kayong tumawag sa PhilHealth 24/7 hotline, 8662-2588. Bukas ang aming Action Center anumang oras at araw, pati weekend at holiday!
Dinagdagan pa namin ang mga linya ng aming komunikasyon. Matatawagan din kami sa mga numerong 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin lang ang Click-to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph
BALITANG REHIYON
Pinangunahan ng LHIO Makati ang Tricyle Operators and Drivers Associations (TODA) Tour sa Poblacion Makati, habang ang City Health Department ay nagbigay ng unang patient encounter sa mga miyembro ng TODA.