KUMUSTA ang iyong Pasko? Marahil marami sa inyo ang nakakuha ng mga bagong gadget katulad ng phone or tablet bilang regalo. May ilan naman siguro sa inyo ang bumili ng bagong phone o tablet mula sa mga nakuha ninyong perang regalo noong Pasko. Sana nagamit mo rin ang mga perang nakuha mo noong Pasko para makapagbukas ng savings account para iyong pag-iipon para sa kinabukasan.
Kung may savings account ka na, mahusay. Alam mo ba na maaari mong gawin ang iyong banking transactions sa pamamagitan ng iyong smart phone? Hindi mo na kailangang pumunta sa isang AUB branch para lang magbayad ng bills, o ‘di kaya’y mag-fund transfer, dahil maaari mo na itong gawin sa pamamagitan ng AUB Mobile App.
Ang AUB Mobile app ay maaaring ma-download at magamit sa mga Android at iOS phone. Sa pamamagitan ng mobile app, hindi mo na kailangang magpakapagod na pumunta sa bangko, sapagkat maaari mo nang gawin ang iyong mga transaksiyon sa bahay o kung nasaan ka man gamit lamang ang iyong smart phone na may AUB mobile app, at siyempre, dapat ito’y connected sa internet.
Maraming features ang AUB Mobile App. Una, maaari mo nang tingnan at ma-monitor kung magkano ang laman ng iyong account. Hindi mo na kailangang pumunta sa isang ATM para lang mag-balance inquiry. Sa pamamagitan din ng AUB mobile app, maaari ka nang mag-fund transfer. Kung gusto mong padalhan ng pera ang iyong kapamilya o kung sino man, maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng fund transfer via InstaPay na makikita sa AUB Mobile App. Maaari kang magpadala ng pera mula sa iyong account, patungo sa isa pang AUB account o sa ibang bangko basta’t alam mo ang account number ng iyong padadalhan.
Higit sa lahat, may bills payment feature ang AUB mobile app. Ngayong holidays, lalo na at papalapit ang Bagong Taon, maraming tao kung saan man tayo magpunta lalo na sa mga bayad center. Marami ang hahabol bago ito magsara para sa nalalapit na Bagong Taon. Bakit ka pa pipila kung puwede ka nang magbayad ng iyong bills sa pamamagitan ng AUB mobile app? O, ‘di ba, sulit ang pag-download at paggamit ng AUB mobile app.
Para sa iyo na nakakuha o nakabili ng bagong phone or tablet, huwag kalimutang i-download ang AUB Mobile App. Sa inyo naman na walang bagong phone or tablet, pero hindi pa rin nada-download ang AUB Mobile App, ano pa ang hinihintay ninyo? Pumunta lamang sa Google Playstore or sa App Store upang i-download ang AUB Mobile app.
Comments are closed.