GAMOT AT PHILHEALTH COVERAGE SA MGA MAY MENTAL HEALTH ILLNESS

GAWING  prayoridad   ang gamutan para sa mga may mental health illness.

Ito ang hiniling ni House Assistant Majority Leader Ron Salo sa gobyerno sabay sabi na dapat pondohan na agad ng pamahalaan ang mga gamot na kakailanganin ng mga dumaranas ng mental health problem.

Sinabi ni Salo, na dapat na tiyakin ng pamahalaan na available sa lahat ng mga ospital at botika ang mga generic medicines para madaling ma-avail ng mga mahihirap na may ganitong karamdaman.

Bukod dito, ipinatatalaga rin sa mga eskuwelahan at  workplaces ang pagkakaroon ng psychologist o psychiatrist at pinakikilos din ang mga barangay at bawat pamilya na alamin ang early warning signs ng mga mentally distress.

Hinikayat ni Salo na palawakin pa ang PhilHealth coverage at isama rito ang gamutan para sa mga may mental health problems.

Hiniling din ng mambabatas sa Department of Health at Department of Budget and Management na tiyaking ang ilalatag na implementing rules and regulations ay nakapaloob ang kongkretong proseso, standard, at malinaw na sistema para sa maayos na pagpapatupad ng Mental Health Law.             CONDE BATAC

Comments are closed.